• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kalaboso sa P137K shabu sa Valenzuela

DALAWANG drug suspects, kabilang ang isa umanong high value target ang arestado matapos makuhanan ng higit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr., alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Caimito St., Brgy., Bagbaguin matapos natanggap na impormasyon mula sa kanilang impormante hinggil sa pagbebenta ng shabu ni Jocris Bencion, 33 ng Kabuhayan St. Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa.

 

 

Isang pulis na umakto bilang poseur-buyer ang nagawang makaiskor sa suspek ng P30,000 halaga ng droga at nang matanggap ang pre-arranged signal mula sa poseur-buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu kay Bencion ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto nila ang suspek.

 

 

Nakuha kay Bencion ang nasa 20 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000.00, cellphone, at buy bust money na isang tunay na P500 bill, 15 pirasong P500 boodle money at 22 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Samantala, nakuhanan din si John Renz Villamin, 22 ng Block 9, Lot 6, Villa Crystal, Phase 3 Bagumbong, Caloocan City at si Jordan Baesa alyas “John” ng tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu ng mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 7 sa pangunguna ni PMSg Ricky Labrador at PSSg Rogie Conge sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Cyril Lawrence Tubongbanua na nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Northville 2, Brgy., Bignay alas-3 ng madaling araw nang masita dahil kapwa walang suot na face mask.

 

 

Ani PSSg Carlos Erasquin Jr, mistulang dalag na nagpupumiglas si Villamin na naging dahilan upang mabaling sa kanya ang atensyon ng mga pulis na sinamantala naman ni Baisa at kumaripas ng takbo hanggang sa makatakas. (Richard Mesa)

Other News
  • 86% ng mga COVID-19 vaccines, naipamahagi na sa mga vaccination sites – DOH

    Kinumpirma ng Department of Health na 3,025,600 mula sa 3,525,600 available doses ng coronavirus disease vaccines ang naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites.     Batay sa datos ng DOH at National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 1,809,801 doses na ang naipamigay sa publiko.     “Eighty-eight percent of the 1,780,400 allocated first […]

  • Sec. Cruz-Angeles, tinamaan ng Covid, tuloy ang trabaho sa bahay; PBBM, walang close-contact sa kanya

    TULOY ang pagtatrabaho ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kabila ng asymptomatic siya sa COVID 19.     Sa kanyang Facebook account, isang video ang ginawa ni Cruz-Angeles kung saan ay sinabi nito na magpapatuloy siya sa pagtatrabaho habang naka-isolate para maka-recover.     “Magandang umaga. Ako po si Trixie Cruz-Angeles, press secretary. Kahapon nagpa-Covid […]

  • 700 EMPLEYADO NG BI NABIGYAN NA NG 2ND DOSE NA BAKUNA

    MAHIGIT  700 na rank and file employees ng Bureau of Immigration (BI)  ang nakatanggap na ng second dose  ng Sinovac COVID-19 vaccine  nitong nakaraang Linggo.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na ang 700 na BI works ay nabakunahan nitong Sabado at Linggo sa tanggapan ng BI sa Intramuros, Manila.     “Now […]