• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kapwa akusado sa US ni Apollo Quiboloy pumayag sa plea agreement

PUMASOK na sa plea agreement ang dalawa pang-kapwa akusado ni Pastor Apollo Quiboloy sa US.

 

Ang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC)member na sin Gia Cabactulan, at Amanda Estopare ay pumayag na pumasok sa plea agreement.

 

Sila ang nahaharap sa kasong ‘visa-fraud’ dahil sa pekeng pagpapakasal at pinipilit ang mga miyembro nila manghingi ng pera para sa KOJC.

 

Dahil dito ay posibleng maharap ng limang taon na pagkakakulong at pagbabayaran ng hindi bababa sa $200,000.

 

 

Magugunitang noong nakaraang linggo rin ay pumasok na sa plead agreement ang isa pang kapwa akusado na si Marissa Duenas.

 

Ang susunod na hakbang ngayon ay magsasagawa ng pag-schedule ang korte sa US para sa pagdinig sa nasabing kaso.

 

Sina Duenas, Cabactulan, Estopare at Quiboloy ay kinasuhang federal court noong 2021 sa California gaya ng sex trafficking at Money laundering. (Daris Jose)

Other News
  • Navotas nanguna sa may pinakamataas na ADAR

    “Ito ang No. 1 na di natin gugustuhin”, Ang naging pahayag ni Mayor Toby Tiangco matapos manguna ang Lungsod ng Navotas sa may pinakamataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) sa buong bansa simula Agosto 7 hanggang13, 2021.     Base sa pinakahuling ulat ng OCTA Research, 215% ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. […]

  • Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

    MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at […]

  • Tricycle driver isinelda sa P170K shabu sa Valenzuela

    SHOOT sa selda ang 45-anyos na tricycle driver na sideline umano ang magbenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek […]