• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Baguio City, magsisimula nang tumanggap ng bisita mula sa Ilocos Region

MAGSISIMULA na ang tourist-favorite Baguio City na tumanggap ng kanilang bisita mula sa  Ilocos region simula Setyembre  22.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang residente ng Region 1 na nagnanais na bumisita sa  Baguio City, kilala bilang  summer capital ng bansa dahil sa malamig na panahon ay kailangan lamang na  mag-rehistro sa  online at magpakita ng patunay  ng  hotel reservation.

 

Ito’y makaraan ang inspeksyon ng  precautionary protocols na ipinatutupad sa Baguio City .

“Beginning Sept. 22, our city of Baguio will be open para sa mga bisita galing sa Region 1,” ayon kay Sec. Roque.

 

“You can come and enjoy the city of Pines,” dagdag na pahayag nito.

 

Nauna rito, sinabi ni Contact tracing czar Baguio City Mayor Benjamin Magalong na ang  local government ay kailangan na gumamit ng VIS.I.T.A app o  Visitors Information and Tourist Assistance app  para ma- manage ang pagdating ng mga turista.

 

Idinagdag pa nito na kailangan na makipag-ugnayan ang mga ito  sa Department of Tourism at pribadong sektor, partikular na ang  tour operators para makontrol at ma- manage ang mga bibisitang turista.

 

Kailangan naman na isailalim  ng mga turista ang kanilang sarili  sa  swab test o antigen test.(Daris Jose)

Other News
  • Ads August 29, 2020

  • Sa pagiging role model sa mga kabataan sa buong mundo: LEA, tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee

    Ang Philippines’ Pride na si Lea Salonga ang tinanghal na 2022 Time Magazine Impact Awardee for inspiring children of color around the world.   Ang Broadway Superstar at Disney Princess ay kabilang sa mga pararangalan ngayong taon ng TIME100 Impact Awards na kumikilala sa mga pandaigdigang lider at visionaries na higit na sumulong sa kani-kanilang […]

  • 10 pang local government units, lumagda para sa flagship housing program ni PBBM

    NADAGDAGAN pa ng 10 local government units (LGUs) ang lumagda para maging partner ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang misyon na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon sa susunod na anim na taon.     Ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program […]