• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kaso ng COVID-19 ‘Indian variant,’ naitala na sa Pilipinas: DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang dalawang Pilipino na nag-positibo sa B.1.617, ang variant ng COVID-19 virus na unang natuklasan sa India.

 

 

“Kasunod ng isinasagawa nating purposive genomic sequencing ng UP-Philippine Genome Center at UP-National Institutes of Health sa mga inbound travelers na dumating sa bansa noong Abril na may history travel sa India… tayo ay may natukoy na dalawang kaso na may (B.1.6.17) variant,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

 

Batay sa datos ng ahensya, parehong seaman mula sa Middle East ang dalawang nag-positibo sa tinaguriang “Indian variant.”

 

 

Ang isa ay 37-anyos na lalaking dumating noong April 10 mula Oman. Nakuhaan siya ng samples matapos ang limang araw, April 15.

 

 

Isinailalim daw siya sa quarantine sa isang hotel sa National Capital Region, at idineklarang recovered sa COVID-19 noong April 26.

 

 

Matapos nito ay nakauwi siya sa Soccsksargen, at nag-home quarantine hanggang May 10. Nag-negatibo naman siya nang umulit sa RT-PCR test noong May 3.

 

 

Sa ngayon “asymptomatic” o walang nararamdamang sintomas ng coronavirus ang lalaki.

 

 

Galing naman ng United Arab Emirates ang 58-anyos na lalaki at ikalawang kaso ng B.1.617.

 

 

Dumating siya ng Pilipinas noong April 19, at nakuhaan ng sample nang April 24. Na-isolate naman siya sa isang temporary treatment and monitoring facility sa Clark, Pampanga.

 

 

Gumaling daw siya sa COVID-19 noong May 6, at kasalukuyang nasa Bicol.

 

 

“Dahil ang ating mga kaso pagdating ay nilagay sa quarantine at nalipat sa isolation facility mula nang mag-test positive, wala tayong na-detect na close contact. When released they are asymptomatic and tagged sa recovered,” ani Dr. Alethea De Guzman, officer in charge ng Epidemiology Bureau.

 

 

Nitong Lunes nang ideklara ng World Health Organization (WHO) na “variant of concern” na rin ang B.1.617 variant.

 

 

“There is some available information to suggest increased transmissibility,” ani Dr. Maria Van Kerkhove, WHO technical lead on COVID-19.

 

 

Sa ngayon 34% ang katumbas ng mga kaso ng COVID-19 “variants of concern” na nasa Pilipinas, mula sa 5,952 samples na isinailalim sa genome sequencing.

 

 

May 12 rehiyon na mayroong “local cases” ng B.1.1.7 variant, na unang natuklasan sa United Kingdom. Habang 15 rehiyon ay may local cases din ng B.1.351 variant, na unang nadiskubre sa South Africa.

 

 

Dalawa naman ang kaso ng P.1 variant, na unang natuklasan sa Brazil, at na-detect mula sa mga dumating ng dayuhang pasahero.

 

 

“Currently these incoming international travelers comprise 299 or 18% of all the cases positive to at least a variant of concern,” ani Dr. De Guzman. (Daris Jose)

Other News
  • BIR, umapela sa lahat ng taxpayers na magbayad ng 2019 ITR

    UMAPELA ang Bureau of Internal Revenue (BIR sa lahat ng taxpayers na maghain at magbayad ng kanillang 2019 Income Tax Returns (ITR) bago ang Abril 15, 2020.   Sa economic briefing sa New Executive Building (NEB) ay sinabi ng BIR na ito’y isang friendly reminder sa lahat ng taxpayers para makaiwas sa rush at online […]

  • Ochoa atat na sa bunuan

    GIGIL nang magbalik sa praktis si 2019 Philippine Southeast Asian Games women’s jiujitsu -45-kilogram gold medalist Margarita ‘Meggie’ Ochoa para sa preparasyon sa mga balak sabakang kompetisyon sa taong ito.     May isang taon na ang patuloy na pamiminsala ng Coronavirus Disease 2019 kaya nabulilyaso ang training at international, national competition ng mga national […]

  • KATHRYN, umaming madaling uminit ang ulo at clingy girlfriend kay DANIEL

    NAG–RECONNECT si Kathryn Bernardo sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.      Nadagdagan na raw kasi ng marami pang fans si Kathryn na gusto siyang makilala at sinagot pa niya ang ilang personal na tanong.     Isa sa sinagot ni Kathryn ay kung may nakaaway na ba siyang ibang artista […]