• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SOUTH AFRICAN VARIANT, NATUKLASAN

MAY natuklasan na ring anim na B.1.351 variant o South Africa variant sa Department of Health (DOH),  UP-Philippine Genome Center (UP-PGC), at UP-National Institutes of Health (UP-NIH).

 

 

 

Bukod dito karagdagang 30  B.1.1.7 variant (UK variant) kaso at dalawang karagdagang kaso ng mutation mula sa ika walong batch ng 350  samples na na-sequenced ng UP-PGC ang nadetect.

 

 

 

Sa kaso ng B.1.351 , sa ngayon mayroon ng 48 bansa  na iniulat na may naitalang mga kaso.

 

 

 

Habang wala ebidensya na ang variant na ito ay nagdudulot ng severe disease, ang pattern ng mga mutasyon sa loob ng variant na ito ay nagmumungkahi ng mas mataas na transmissibility at maaaring magkaroon ng isang epekto sa pagiging epektibo ng bakuna.

 

 

 

Sa 6 na kaso ng  South African variant ,  tatlo ang local cases at dalawa ang returning  Overseas Filipinos (ROFs), at isa naman ay patuloy na biniberipika.

 

 

 

Iniulat naman taga Pasay ang  tatlong local case na ang kanilang sample ay bakolekta sa pagitan ng  January 27 at February 13, 2021.

 

 

 

Dalawa sa local cases ay  61 taong gulang na babae at 39 taong gulang na lalaki na mga  aktibong kaso .

 

 

 

Ang pangatlong  kaso ay isang 40 anyos na lalaki na  nakarekober na.

 

 

 

Habang dumating naman sa bansa ang dalawang ROFs  mula UAE kung kasalukuyang biniberipika ang kanilang estado.

 

 

 

Bukod dito kasalukuyan ding bineberipika ng DOH  kung ang anim na kaso ay local cases  o  ROF. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DINGDONG at MARIAN, naging tahimik lang sa halos dalawang linggong pakikipaglaban sa COVID-19

    TALAGANG nanahimik lang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa loob ng halos dalawang linggo na sila pala ay tinamaan din at nag-positibo sa COVID-19.     Tila buong household nina Dingdong at Marian ang nag-positive. Pero nang makausap namin si Dingdong at kamustahin, lalo na ang dalawang anak nila na sina Zia at […]

  • Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’

    PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.     Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the […]

  • Fernando, Castro, sinelyuhan ang pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo sa Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 SP

    LUNGSOD NG MALOLOS- Parehong nangako sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro na susuportahan ang programa ng isa’t isa bilang pinuno ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan sa ginanap na Pasinayang Pagpupulong ng Ika-11 Sangguniang Panlalawigan sa Bulwagang Senador Benigno Aquino Sr. Session Hall sa lungsod na ito kahapon.   […]