2 kelot kulong sa sugal, mga bala at shabu sa Valenzuela
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
SWAK sa selda ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto sa sugal at paglalaro ng bala sa Valenzuela City.
Sa report ni PSSg Carlito Nerit Jr. kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station 4 Commander P/Capt. Doddie Aguirre hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa L. Angeles St., Brgy. Malinta.
Kaagad pinuntahan ng mga pulis ang nasabing lugar at naaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagsusugal ng ‘cara y cruz’ na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas ‘Richard’, 36, dakong ala-1:10 ng madaling araw habang nakatakbo naman ang kalaro nito na si alyas ‘Japper’.
Nakuha kay ‘Richard’ ang dalawang transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,720, P320 bet money at tatlong peso coins na gamit bilang ‘Pangara’.
Nauna rito, nadakip din ng mga tauhan ni Capt. Aguirre sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama ang mga tanod ng Brgy. Malinta sa pamumuno ni EX-O Mark Guerrero sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa Dulong Tangke Street, dakong alas-8:00 ng gabi si alyas ‘Michael’, 44 ng Tondo, Manila matapos maaktuhan pinaglalaruan ang mga bala ng baril.
Nakumpiska sa kanya ang naturang mga bala at isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P240.00.
Mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-Illegal Gambling Law/Cara y Cruz), RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Target sa vaccination drive, ibinaba sa 9 milyon
Ibinaba sa 9 na milyon ang target na mabakunahan sa National Vaccination Days dahil sa kakulangan sa gamit partikular ng gagamiting karayom. Nauna rito, itinakda sa 15 milyon ang target na mabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination Days na magsisimula sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1. Nagkaroon ng pagbabago sa […]
-
‘Sitwasyon sa mga ospital, babantayan muna bago ilagay sa Alert Level 1 ang NCR’
HINDI pa masabi sa ngayon ng Department of Health (DOH) kung ligtas na bang ilagay sa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR). Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, susuriin pa nila ang mga “safe places” at mga sitwasyon sa ospital sa NCR bago magdesisyon hinggil sa pagluluwag ng […]
-
Nadagdagan na naman ang list ng international celebrities: HEART, naka-rubbing elbow ang asawa ni JUSTIN na si HAILEY BIEBER
MAY nadagdag na naman sa listahan ng international celebrities na naka-rubbing elbows o nakilala nang personal ni Heart Evangelista. Kung sa mga nakaraang global trips ni Heart ay nakilala na niya ang cast ng ‘Emily In Paris’ led by Lily Collins, ang mga Korean celebrities na sina Song Hye-kyo, Yugyeom ng GOT7, Ji Chang-wook, […]