2 kelot na nasita sa paglabag sa ordinansa, bistado sa droga
- Published on October 15, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kulungan ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu nang takbuhan ang mga pulis na mag-iisyu sa kanila ng tiket dahil sa paglabag sa ordinansa sa Caloocan City.
Sa ulat, habang nagsasagawa ng Anti-criminality foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS4) sa Pla-Pla St., Brgy. 14 nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na walang suot na damit habang gumagala sa lugar dakong alas-2:15 ng madaling araw.
Nang iisyuhan nila ng tiket dahil sa paglabag sa umiirala n ordinansa ng lungsod ay bigla lamang umanong kumaripas ng takbo ang mga suspek kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang makorner.
Nang kapkapan, nakumpiska ng mga pulis sa suspek na sina alyas Miel, 26, at alyas Michael, 45, kapwa residente ng lungsod ang tig-isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 7.6 grams ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P51,680.
Dahil dito, pinosasan ng mga pulis ang mga suspek at sasampahan ng kasong kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Dapat nga bang palitan angPangalan ng NAIA at gawing ‘Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas’?
Dadaan pa sa mahabang proseso ang panukala ni presidential son at Davao City Rep. Paolo Duterte na baguhin ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Una nang naghain ng panukala sa Kamara ang eldest son ng Pangulong Duterte, kasama sina Rep. Lord Allan Jay Velasco (Marinduque) at Rep. Eric Go Yap (ACT-CIS) ng […]
-
2 most wanted persons, huli sa Caloocan at Valenzuela
KALABOSO ang dalawang lalaki na nasa talaan ng mga most wanted person matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities. Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) Chief P/Major Marvin Villanueva kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng hapon nang makorner […]
-
Lalaki timbog sa shabu at panghoholdap sa nene
ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu at panghoholdap sa isang batang babae sa Valenzuela city, kamakalawa. Nahaharap sa patung-patong na kaso ang naarestong suspek na nakilalang si Enrique Beranio Jr, 29, ng Bagbaguin, Caloocan city. Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, […]