2 kelot na umiwas sa multa, kulong sa droga sa Caloocan
- Published on July 8, 2024
- by @peoplesbalita
NABISTO ang dalang mahigit P50K halaga ng shabu ng dalawang lalaki nang takbuhan ang mga pulis na sumita sa kanila dahil sa paglaba sa ordinansa sa Caloocan City.
Sa ulat, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station (SS-2) sa 2nd Aveune, Brgy. 120 nang makita nila ang dalawang lalaki na nagyoyosi sa pampubliko lugar dakong alas-6:45 ng gabi na malinaw na paglabag sa umiiral na ordinansa ng lungsod.
Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Vilolation Receipt (OVR) ay tumakbo umano ang mga suspek para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto.
Nang kakapan, nakumpiska sa mga suspek na sina alyas ‘Ungas’ at alyas ‘Batak’ ang tig-isang transparent plastic sachet na naglalaman ng nasa 8.5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P57,800.00.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Tourism at food business workers, sunod bakunahan
Nananawagan ang isang advocacy group na kung maaari pagkatapos ng mga frontliners ay sunod bakunahan ang mga manggagawa sa turismo at food business. Ayon kay Edmund Mayormita, tagapagsalita ng Grupong Turismo, Isulong Mo, kung gusto ng pamahalaan na buhayin agad ang ekonomiya, turismo ang pinakamabilis na paraan. “Isang taon nakakulong sa […]
-
P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City. Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga […]
-
Ads February 24, 2024