P2-M ecstasy, naharang sa NAIA; Kukuha ng parcel, timbog
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
NASABAT ng Bureau of Customs-NAIA sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang dalawang parcel na naglalaman ng halos P2 milyong halaga ng ecstasy pills sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Pawang mga galing sa Leusden, Netherlnds ang mga parcel na idineklarang “bags of candy”.
Sa isinagawang ekasaminasyon natuklasan na ang ang 4 na clear plastic sealed ay naglalaman ng hinihinalang ecstasy tablets na nakalagay naman sa caramel candy bags.
Sa laboratory results na isinagawa ng PDEA, lumabas na positibo na ecstasy ang laman ng nasabing mga parcel. Kinilala ang suspek na si Kim Fuentes mula sa Makati City na naaresto habang kini-claim nito ang parcel.
Itinurn-over na sa PDEA ang consignee at ecstasy para sa inquest proceedings para sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na may kaugnayan sa pagbabawal sa pag-import, Goods Liable for Seizure and Importation at Customs Modernization and Tarrif Act (CMTA)
-
Pangako ni PBBM, panatilihing ligtas ang mga mamahayag
SINABI ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “strongly committed” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na proteksyonan at iligtas ang mga miyembro ng mga mamahayag sa bansa. “Marcos is committed to protecting you,” ani Velicaria-Garafil. “Makaaasa kayo na ang ating Pangulo, President Ferdinand R. Marcos, ay patuloy ang pagkilala […]
-
Duque at Lorenzana naka-quarantine matapos makasalamuha ang mga COVID-19 positive
Kapwa naka-quarantine matapos sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana matapos na sila ay ma-expose sa COVID-19. Sinabi ni Duque na nakasalamuha nito ang isa sa kaniyang staff ay nag-positibo sa COVID-19 noong Disyembre 31. Nakatakda itong sumailalim sa COVID-19 […]
-
108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity
UMAABOT na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of calamity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat. Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos […]