• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 kulong sa baril at patalim sa Caloocan

LAGLAG sa selda ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na may dalang baril at patalim habang pagala-gala sa lansangan sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 5 sina alyas “Balong” alyas “Rudy” sa Reparo St., Brgy. 149, Bagong Barrio dahil sa pagdadala ng baril at patalim.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang isang cal. 9mm na may isang magazine na kargado ng dalawang bala at isang folding knife.

 

 

Nauna rito, nakatanggap ng tawag ang SS5 mula sa Brgy. 149 at inireport sa kanila ang hinggil sa dalawang kahina-hinalang lalaki na paikot-ikot malapit sa paligid ng Barangay Hall kung saan isa sa mga ito ay armado umano ng baril.

 

 

Kaagad rumesponde sa lugar ang mga pulis subalit, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya ay nagtangkang tumakas ang mga ito ngunit nagawa naman silang makorner at maaresto ng mga parak.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, BP 6 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)

Other News
  • OVP budget para sa 2021, pinadadagdagan ng mga kongresista

    Isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na taasan o dagdagan pa ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.   Mula kasi sa P723.39-million na ipinanukala ng OVP, tanging P679.74-million lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM). Kabilang daw sa tinapyas sa pondo ay ang nakalaan […]

  • Pinakabagong ‘hacking attempts” sa iba’t ibang gov’t website, “sophisticated”

    KINOKONSIDERA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na “sophisticated” ang pinakabagong hacking attempts sa iba’t ibang government websites na naka-link sa IP addresses ng China-backed telcofirms.     Inamin ni DICT Undersecretary for Infostructure Management, Cybersecurity and Upskilling Jeffrey Ian Dy na ito’y mas “complicated” kaysa sa nagdaang hacking attempts na napigilan ng […]

  • NCAA ikakasa na ang Season 97

    NAKATAKDANG magpulong ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) bukas (Lunes) upang ipinalisa ang lahat ng kakailanganin para sa nakatakdang pagbubukas ng Season 97.     Ayon sa mga ulat, nakatakdang magbukas ang NCAA Season 97 sa Marso 26 kasabay ng opening ceremony ng UAAP Season 84 na gaganapin sa Mall of Asia Arena […]