• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OVP budget para sa 2021, pinadadagdagan ng mga kongresista

Isinusulong ng ilang mambabatas sa Kamara na taasan o dagdagan pa ang pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.

 

Mula kasi sa P723.39-million na ipinanukala ng OVP, tanging P679.74-million lang ang inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM). Kabilang daw sa tinapyas sa pondo ay ang nakalaan para sa pagpapalit ng anim na sasakyan ng opisina na hindi nagagamit.

 

Hindi ito ang unang beses na mas mababa sa panukalang pondo ng OVP ang inaprubahan, dahil sa nakalipas na tatlong taon sa maliit na pondo rin umikot ang operasyon ng tanggapan ng bise presidente.

 

“We make do with what we have, that has always been how it was at the Office of the Vice President,” ani Robredo.

 

Ibinida ng pangalawang pangulo sa mga kongresista ang partnerships ng kanyang tanggapan sa pribadong sektor, na nagpagaan sa hamon ng maliit na budget ng OVP.

 

Mula 2016, aabot na raw sa 558,000 na pamilya at indibidwal ang natulungan ng opisina ni Robredo, sa pamamgitan ng kanyang flagship program na Angat Buhay.

 

Ang nasabing programa ay tumawid din sa ginawang responde ng opisina ngayong “>gadgets sa mga estudyante, platform para sa mga libreng website sa mga naghahanap ng trabaho.

 

Sa mga inisyatibong ito humanga ang ilang mambabatas, kaya hiling nila ay taasan pa ang pondo ng OVP.

 

“Pinakamaliit ito na ngayong 2021, samantalang ito yung second highest official of the land, so parang hindi deserve ng OVP yung ganito kaliit na budget. Considering working talaga si Vice President Leni Robredo,” ani ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro.

 

Ayon kay Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, na miyembro ng majority, dapat i-restore o ibalik ang tinapyas sa panukalang pondo ng OVP para magpatuloy ang mga nasimulang programa ng tanggapan.

 

“I would like to also suggest and move in some future time that we give at least 10% increase in the budget in the (Office of the) Vice President or another P72-million,” pahayag ng kongresista na nagpapadagdag pa ng P113-million pondo sa naturang opisina.

 

Ilan din sa mga nagpaabot ng suporta para taasan ang pondo ng OVP ay sina Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado, Baguio City Rep. Marquez Go, at Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

 

“The small budget has never been a hindrance to us, but it would help us greatly if we are given more because that would mean that we will be able to serve people and more communities,” ani Robredo.

 

Tiniyak ni Committee on Appropriations Vice-Chair Jocelyn Limkaichong na makakatanggap ng sapat na alokasyon ang OVP sa susunod na taon.

 

“Let us fill in the gaps or augment if necessary so the OVP can perform its mandate.”

 

Sa ilalim ng panukalang budget ng tanggapan ng pangalawang pangulo, 69.4% daw ang nakalaan para sa tulong pinansyal sa komunidad. Ang natitirang porsyento nito ang para sa administrative operations. (Ara Romero)

Other News
  • Pribadong kumpanya, maaaring humirit ng ‘cost reimbursement’ sa gobyerno para sa biniling COVID-19 vaccine para sa pamilya ng mga empleyado

    PINAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na humirit ng “cost reimbursement” para sa COVID-19 vaccines na kanilang binili para sa pamilya ng kanilang empleyado.   May ilan kasing kumpanya ang binalikat ang halaga ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa subalit hindi para sa pamilya ng mga ito.   “Ang polisiya po ng gobyerno, […]

  • ‘Jurassic World Dominion’ Unveils Epic Trailer

    CAN human beings remain as the apex predator in a world where dinosaurs roam the globe?     Experience the epic conclusion to the Jurassic era as two generations unite for the first time in Jurassic World Dominion when it opens in Philippine cinemas this June.     Chris Pratt and Bryce Dallas Howard are joined by […]

  • Ads July 7, 2022