2 kulong sa P102K droga sa Caloocan
- Published on November 2, 2024
- by @peoplesbalita
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang drug suspects matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni District Drug Enforcement Uni (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas “Fred”, 43, at alyas “John”, 19, kapwa residente ng lungsod.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Major Rivera na ikinasa nila ang buy bust operation, katuwang ang Caloocan Police Sub-Station (SS2) kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek matapos umanong bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-10:50 ng umaga sa loob ng isang bahay sa Galino St., 9th Avenue, Brgy. 102.
Ayon kay P/Capt. Regie Pobadora na nanguna sa operation, nakuha nila sa mga suspek ang humigi’t kumulang 15 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P 102,000.00, 7 grams ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P840.00 ang halaga at buy bust money
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr
INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign. Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Disyembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT […]
-
Uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino, prayoridad na mabigyan ng Covid- 19 vaccine
TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang mga uniformed personnel at mahihirap na pamilyang Filipino ang prayoridad na mabigyan ng COVID-19 vaccine. “Ang mauuna ‘yung mga taong nasa listahan ng mga gobyerno na tumatanggap ng Pantawid. Ito ‘yung mga mahirap,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address. Ang mahirap na pamilyang […]
-
Exhibition fight ni Tyson kay Jones inilipat sa Nobyembre
Inilipat sa Nobyembre 28 ang exhibition fight nina Mike Tyson at Roy Jones Jr. Ang nasabing laban sana ay unang itinakda sa Setyembre 12 sa Dignity Health Sports Park sa California. Ayon sa kampo ng dalawa, may mga pinaplantsa pa silang mga sponsors para sa nasabing laban. Sasamantalahin din anila ang pagkakataon […]