• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 KULONG SA P360K HIGH GRADE MARIJUANA

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng high grade marijuana sa buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director PBGen. Eliseo Cruz ang naarestong mga suspek na si Mark Lester Corpuz, 32 ng Banaba St. Pangarap Village, Caloocan at Norman Keith Frago, 28 ng Batangas city.

 

Ayon kay BGen. Cruz, dakong 6 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/Maj. Ramon Aquiatan Jr. sa Parking Lot ng Victory Mall sa Brgy. 72, ng lungsod.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makapagtransaksiyon sa mga suspek ng P30,000 halaga ng high grade marijuana (Kush).

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng high grade marijuana ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 180 gramo ng high grade marijuana (Kush) na tinatayang nasa P360,000.00 ang halaga, marked money, digital weighing scale, 2 cellphones, at isang kulay titanium gray na Honda City (MMA 69).

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Goodbye sa mga kotse, relo at iba pang luho: ROCCO, thankful sa mga payo ng kapwa-Kapuso daddy

    THANKFUL si Rocco Nacino dahil sa mga natatanggap niyang mga payo sa pagiging isang ama mula sa kapwa niya mga daddy tulad nila Dennis Trillo, Rodjun Cruz, Carlo Gonzales, Mark Herras, Joross Gamboa at Dingdong Dantes.       Ayon kay Rocco ay puwede na raw sila magtayo ng ‘Daddy’s Club’ dahil tuwing nag-uusap daw […]

  • Mga employers ‘di puwedeng sibakin, ipitin ang sahod ng manggagawa – DOLE

    Binigyan diin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi maaring sibakin ng mga employers ang kanilang mga manggagawa o huwag ibigay ang kanilang sahod dahil sa pagtangging magpabakuna.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, walang legal basis sa ngayon para sa mandatory vaccination ng mga manggagawa sa Pilipinas.     […]

  • Director David F. Sandberg, Shares Production Update on ‘Shazam! Fury of the Gods’

    DIRECTOR David F. Sandberg has shared an update on the production status of Shazam! Fury of the Gods.         Based on the DC Comics character of the same name, Sandberg’s first Shazam! movie came out in 2019, becoming an instant hit among audiences thanks to its entertaining blend of humor and heart.   The movie […]