• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 LABANDERA TIMBOG SA P3.4 MILYON SHABU

NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit sa P3 milyon halaga ng shabu sa dalawang labandera na big-time umanong tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong mga suspek na si Mary Jane Malabanan, 49 ng 278 Bayanihan St. Brgy. 159 at Grace Palacio, 48 ng East Libis Baesa, Brgy. 160, Sta Quiteria.

 

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Dario Menor, bandang alas-11:20 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Joel Guimpatan at P/Capt. Danilo Esguerra, Jr. ng Sub-Station 6 sa harap ng bahay ni Malabanan.

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang medium size knot tied transparent plastic bag ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P70,000 marked money na binubuo ng dalawang tunay na P1,000 bill at 68 piraso ng 1,0000 boodle money.

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang aabot sa 500 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P3,400,000 ang halaga, at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Other News
  • May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB

    May dinelete sa conversation para palabasing may affair: BIANCA, nagsalita na sa kinasangkutang isyu nila ni ROB NAGSALITA na si Bianca Manalo tungkol sa kinasangkutan niyang kontrobersya kasama ang co-star niya sa teleserye na ‘Magandang Dilag’ na si Rob Gomez. Kumalat kamakailan sa social media ang conversation nila diumano ni Rob at parang lumalabas na […]

  • Remulla itinangging pinoproteksyunan si Duterte sa ICC probe vs drug war

    TAHASANG  itinanggi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pinoproteksyunan niya sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) si dating Pangulong Rodrigo Duterte.     Sa isang panayam, binuweltahan ni Remulla ang ICC na siyang dapat magbigay sa kanila ng ebidensya na makakatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng DOJ sa mga naganap na pagpatay kaugnay ng […]

  • Ads May 23, 2022