• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 laborer arestado sa P56-K shabu

DALAWANG laborer ang arestado matapos makuhanan ng nasa P56, 540 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon Police Chief Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Ronaldo Jacinto, 43 ng Blk 27, Lot 70, Phase 2, Area 1 Brgy. Nbbs, Navotas City at Arjay Alejandro, 27 ng Blk 22, Lot 21, Landaska Torcillio Street Brgy. 28, Caloocan City.

 

Ayon kay Col. Tamayao, alas- 10 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Dr. Lascano St. Brgy. Tugatog.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang sa- chet ng shabu ang isang undercover pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng P500 marked money.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 8.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P56,540.00 ang halaga, weighing scale at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Netizens lumuwa ang mga mata sa suot na luxury jewelry brand ni MARIAN na ini-endorse ni SONG HYE KYO

    PURING-PURI ng netizens ang ginawang effort ni GMA Primetime King Dingdong Dantes na mabigyan ng memorable, intimate and very elegant birthday party ang asawa na si Marian Rivera na nag-celebrate ng 37th birthday noong August 12 kahit ECQ na naman.     Ang bongga naman talaga nang pina-set-up ni Dingdong ang bahay nila na fit na fit sa […]

  • Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria

    WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.   Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.   Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para […]

  • DHSUD, target na magtayo ng 6M housing units sa termino ni PBBM

    TARGET ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng anim na milyong  housing units sa susunod na anim na taon sa pamamagitan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program.        Ito ayon kay DHSUD Assistant Secretary for Support System Avelino Tolentino ay may production average rate  na isang milyong housing […]