• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Santos, Lassiter bak-ap hinahanap ni Austria

WALANG pili o pick ang San Miguel Beer sa 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa darating na Marso.

 

Kaya hahagilap ng ibang paraan si Leovino Austria para pasakan ang vacuum ng Beermen sa 46th PBA 2021 Philippine Cup sa Abril 9.

 

Isang malaking babak-ap kay Arwind Santos sa No. 4 para makumpleto ang 10 rotation, isa ring kahalili ni Marcio Lassiter sa 3 o 2 ang puntirya ng SMB coach.

 

Sa Pampanga bubble ng 45th PBA 2020 Philippine Cup nitong Oktubre 11-Disyembre 9, siyam lang ang nasa rotation ni Austria. No. 4 ang Beermen pagkatapos ng elimination round, pero dalawang beses kiuryente ng Meralco sa quarterfinals.

 

Si Moala Tautuaa ang pumalit kay June Mar Fajardo sa sentro na nagpagaling sa shin unjury. Wala rin sa bubble si Matt Rosser na mas pinili ang opt out, at napaaga namang  napaekssit  si Terrence Romeo bunsod ng dislocated shoulder.

 

Wala sa guni-guni ni Austria na ibahin na ang core ng kanyang starting five kina Alexaner Cabagnot, Jr., Christopher Ross, Fajardo, Santos at Lassiter.

 

Dahil wala ngang pick, maaring mangahoy ng available big ang Beermen sa free agency.

 

Makakabalik na si Fajardo sa susunod na season.

 

At may tagubilin ang six-time MVP sa kanyang coach.

 

“Ang sabi niya sa akin after our conference ended, ‘Pahinga ka lang, huwag mong isipin ‘yan. Bawi tayo next year,’” wakas na pahayag ni Austria. “So that means na confident siya.”(REC)

Other News
  • DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño

    TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon.     Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang […]

  • Pagkakaisa nais ni Ramirez sa POC

    BINATI ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang bagong pamunuan ng Philippine Olympic Committee (POC) Executive Board kasabay sa payo na iabot ang kanilang kamay sa lahat ng miyembro pati na rin sa mga natalong kandidato para sa inaasam na pagkakaisa sa pribadong organisasyon.   ““During my tenure as chairman of PSC, […]

  • Giannis nagbuhos ng 50-pts. sa pagkampeon ng Bucks after 50-yrs.

    Sa wakas kinoronahan na rin ang Milwaukee Bucks bilang NBA world champions makaraang tinapos na rin nila Finals series sa Game 6 laban sa mahigpit na karibal na Phoenix Suns sa score na 105-98.     Nagtapos ang serye sa 4-2.     Inabot din ng 50 taon bago muling nakatikim ng kampeonato ang Bucks […]