• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 lalaki na nasita sa damit, huli sa P52K shabu sa Caloocan

SA loob ng kulungan humantong ang paggala ng dalawang lalaki nang mabisto ang dala nilang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil kapwa walang suot na damit sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

 

 

Sa report ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS4) sa Salmon St., Brgy. 8 nang mapansin nila ang dalawang lalaki na kapwa walang suot na damit habang gumagala sa lugar dakong ala-1:30 ng madaling araw.

 

 

Dahil malinaw na paglabag ito sa umiiral na ordinansa ng lungsod, nilapitan nila ang mga suspek para isyuhan ng tiket subalit, tumakbo umano ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang makorner.

 

 

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek na sina alyas Rico at alyas Eric, ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng nasa 7.7 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P52,360.

 

 

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Walang takot na lumangoy sa hanggang dibdib na baha… GERALD, muling hinangaan ng netizens sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo

    MULING hinangaan ng netizens ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson dahil sa ginawa niyang pagtulong at pakikiisa sa search and rescue operation para sa mga nasalanta ng baha sa Quezon City, na dulot ng Super Typhoon Carina.   Makikita nga sa viral video ang kanyang pantulong sa isang pamilya sa Barangay Sto. Domingo, na kung saan […]

  • Nabakante ni DSWD REX GATCHALIAN, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC)

    CARETAKER sa iiwang distrito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian, ipag-uugnay ng liderato ng Kamara sa National Peoples Coalition (NPC).     Sinabi ni Speaker Martin Romualdez na makikipag-ugnayan sila sa NPC para talakayin ang gagawing pagtatalaga ng caretaker sa congressional post na binakante ng bagong DSWD secretary.     […]

  • Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital

    NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital.     Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ng ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment.     Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, […]