• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 lalaki na wanted sa rape sa Caloocan at Malabon, timbog

HIMAS-REHAS ang dalawang manyakis lalaki na kapwa wanted sa kaso ng statutory rape matapos madakip ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan at Malabon Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan polic chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ni alyas “Ronald”, 43, ng lungsod na akusado sa panghahalay sa isang menor-de-edad na babae.

 

 

Kasama ang mga tauhan ng Police Sub-Station (SS10), agad nagsagawa ng joint manhunt operation ang WSS na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-12:30 ng hating gabi sa Villa Imelda, Camarin, Brgy., 178.

 

 

Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Col. Doles sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Raymundo G. Vallega ng Regional Trial Court (RTC) Branch 130, Caloocan City noong May 11, 2023, para sa kasong Statutory Rape.

 

 

Sa Malabon, nasakote naman ng mga tauhan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan at mga tauhan ng NPD-DSOU sa joint manhunt operation sa Gov. Pascual Ave., Brgy. Niugan ang 32-anyos anyos na lalaki na residente ng Marilao, Bulacan at akusado din sa panggagahasa sa isang menor-de-edad na babae alas-3:20 ng hapon.

 

 

Ang akusado na nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa lungsod ay pinosasan ng mga tauhan ng Malabon Police WSS sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Catherine Therese M. Tagle-Salvador ng RTC Branch 73, Malabon City, noong October 22, 2024, para sa kasong Statutory Rape.

 

 

Pinapurihan naman ni NPD OIC Director P/Col. Josefino Ligan ang Caloocan at Malabon police sa kanilang pinaigtig sa pagtugis sa mga wanted person na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na

    Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Du­que III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.     […]

  • LRMC magbibigay ng libreng shuttle service sa pasahero ng LRT1

    MAGBIBIGAY ng libreng shuttle service ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1 (LRT 1).   Ayon sa LRMC, ang pilot implementation ng libreng shuttle service ay magaganap sa pagitan ng estasyon ng LRT 1 EDSA at Manila Bay ASEANA area kung saan magkakaron ng mga designated loading […]

  • Hidilyn maagang magtutungo sa Tashkent para sa Olympic qualifying

    Mas gusto ni national lady weightlifter Hidilyn Diaz na maagang makapunta sa Tashkent, Uzbekistan para sa Asian Weightlif­ting Championships kesa mahawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Kuala Lumpur, Malaysia.     “Mahirap na baka mahawa ka sa iba,” sabi ng 2016 Rio de Janeiro silver  medalist sa panayam sa So She Did!” podcast. “So mas […]