• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Foreigners bawal na sa NCAA; Kobe Paras umalma

 Hindi na umano mababali ang desisyon ng NCAA na ipagbawal ang paglalaro ng mga foreign student-athletes sa lahat ng sports simula sa Season 96.

 

Ito ang nilinaw ni Management Committee chair Fr. Vic Calvo ng host Letran kaugnay sa nabuong desisyon.

 

Agad namang bumuhos ang sentimiyento ng publiko sa social media at sinabing napakalupit ng desisyon at hindi na angkop sa panahon ngayon.

 

Umalma rin si University of the Philippines (UP) star Kobe Paras sa ginawang pagbabawal sa paglalaro ng foreign student athletes.

 

Maraming manlalaro rin ang nagpahayag ng kanilang galit sa social media habang ang iba naman ay pabor na alisin ang foreign-student athletes sa palaro upang mabigyan pagkakataon ang mga malalaking local players na kuminang.

 

Para kay dating Letran Knight at 1999 NCAA MVP Kerby Raymundo, maganda ang naging desisyon dahil naniniwala itong inaagaw ng foreign student-athletes ang oportunidad na para sa mga Pinoy.

 

“Good news ito! Kinain nila playing time ng Locals, When locals play, they make mistakes, they learned from their mistakes, next game they play better. 3 years later they improved a lot. They’re ready to play in PBA,” tweet ni Reymundo.

 

Naniniwala ang mga nasa likod ng pagpapalit ng rules na maganda ito para sa Philippines sports at tinawag pa nila ang mga  imports na mercenaries.

Other News
  • Nasita sa city ordinance, binata buking sa shabu

    KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang binata matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa paglabag sa city ordinace sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police Sub-Station 2 Commander P/Major Randy Llanderal ang suspek bilang si Christian Santiago, 30, construction worker ng 6111 […]

  • PNP Chief Carlos, ‘di kailangang mag-leave – DILG

    INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na hindi kailangan ni PNP Chief, PBGen. Dionardo Carlos na mag-leave o magbakasyon, sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa pagbagsak ng isang police helicopter sa Real, Quezon kamakailan.     Kasunod ito ng ulat na susunduin sana ng natu­rang helicopter si Carlos […]

  • Comelec, patutunayang walang iregularidad sa katatapos na halalan- Malakanyang

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Commission on Elections (Comelec) na patunayan na walang iregularidad sa katatapos lamang na May 9 national at local elections.     Sinabi kasi ng International Observer Mission (IOM) ng International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) na ang katatapos lamang na eleksyon sa bansa ay “were not free […]