2 MANGINGISDA, NASAGIP NG COAST GUARD
- Published on July 23, 2021
- by @peoplesbalita
NASAGIP ng Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Calatagan ang dalawang mangingisda ng tumaob na motorbanca sa baybaying tubig ng Cape Santiago Light Station sa Calatagan, Batangas.
Ayon kay PCG Station Batangas Commander, Captain Geronimo Tuvilla, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Vessel Traffic Monitoring System (VTMS) – Batangas na may iniulat na tumaob na motorbanca sa nasabing katubigan.
Agad namang ipinagbigay ng PCG Station Batangas sa PCG Sub-Station Calatagan para sa search and rescue (SAR) team sakay ng Coast Guard aluminum boat, AB-179.
“Despite the strong waves and wind condition prevailing in the area, the SAR team was able to find and rescue the two fishermen,” pahayag ni Captain Tuvilla
Ligtas naman ang dalawang mangingisda habang ang kanilang motorbanca ay hinila sa pampang. GENE ADSUARA
-
Lloyd Jefferson Go salo sa pang-8, P257K sinubi
Tinapos ni Lloyd Jefferson Go ang kampanya sa five-under-par 67 uipang sumosyo sa pangwalo sa 11th Asian Development Tour 20220-22 Leg 14 $200K PIF Saudi Open nitong Dec. 8-10 sa Riyadh Golf Club. Nagbuslo ang 27-anyos na Pinoy buhat sa Cebu ng six birdies laban sa one bogey sa pagsara sa 54 holes […]
-
Travel restrictions sa mahigit 30 bansa extended hanggang Enero 31
EXTENDED ang travel restrictions sa mahigit na 30 bansa hanggang Enero 31, 2021 ito’y matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na palawigin ng hanggang Enero 31, 2021 ang entry travel restrictions at rules na naaangkop sa lahat ng biyahero na mula o manggagaling mula sa mga bansang… The United Kingdom Denmark […]
-
Nangakong hindi na ito mauulit… Sen. ROBIN, nag-sorry na sa Senado sa pagpapa-IV drip ni MARIEL
PINUTAKTI at kaliwa’t kanan ang natanggap na batikos nang ginawang pagpa-IV drip ng asawa ni Sen. Robin Padilla na si dating host at aktres Mariel Padilla. Paliwanag pa agad ni Mariel na hindi raw naman niya sinadya ang naturang pangyayari. Nataon lang daw kasi na doon siya inabot sa opis ng […]