• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 mataas na opisyal ng gobyerno ipapapatay ako – Rep. Teves

IBINUNYAG ng kontrobersyal na si da­ting 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na dalawang mataas na opisyal umano ng gobyerno ang nagpaplano ng ‘assassination plot’ laban sa kanya.

 

 

Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 8 iba pa.

 

 

Sa isang television interview via zoom, sinabi ni Teves na hindi ligtas para sa kanya ang umuwi dahilan sa banta sa kaniyang buhay. Tumanggi naman ang opisyal na kumpirmahin ang ulat na nasa Cambodia siya para umano sa kaniyang kaligtasan.

 

 

“Dalawa silang mataas na opisyal ng gobyerno, they want me dead,” ayon kay Teves pero tumanggi na tukuyin ang mga pangalan ng naturang mga opisyal dahilan baka umano siya ma-libel.

 

 

Ayon kay Teves, nakarating sa kaniya ang impormasyong may ‘kill order’ laban sa kaniya noong una pa man na i-raid ng mga pulis ng kaniyang tahanan sa Negros kung saan plano umanong todasin na siya at palitawin na lamang na nanlaban kaya nabaril sa operasyon.

 

 

Sinabi ni Teves na kung may ebidensya laban sa kaniya ay ilutang at sampahan siya ng kaso sa halip na puro hearsay o gawa-gawa lamang ang pinagsasabi kung saan nahahatulan na siyang guilty sa ‘trial by publicity’ na sobrang ‘unfair’ umano.

 

 

Inihayag ni Teves na maari niyang ikonsidera ang pag-uwi sa bansa kung makita niya na mayroon ng ‘fairness’ o patas na hustisya sa bansa pero sa kasalukuyan ay hindi pa niya ito magagawa dahil sa seryosong banta sa kaniyang buhay. (Daris Jose)

Other News
  • 20 milyong Gen Z voters, inaasahan sa 2025 elections

    AABOT sa mahigit 20 milyong botante, na kabilang sa tinaguriang ­Generation Z, ang inaasahang lalahok at boboto para sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE).     Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, kung ang pagbabasehan ay ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), aabot sa 24 ­milyon ang mga botanteng […]

  • Presyo ng pulang sibuyas, pumalo na sa Php340 kada kilo; siling labuyo sa Php700 kada kilo

    TUMAAS  na sa P340 kada kilo ang presyo ng pulang sibuyas lalo’t ilang linggo na lamang ay araw na ng kapaskuhan habang ang siling labuyo naman kahit sa pinakamaliit ay pumalo sa P700 kada kilo sa ilang mga pamilihan sa gitna ng mahigpit na supply nito.   Batay sa price watch ng Dept. of Agriculture […]

  • 3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE

    NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.   Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.   Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers […]