3,012 BUSINESS ESTABLISHMENT NAGHAIN NG TEMPORARY CLOSURE
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
NAGHAIN sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang may 3,012 na mga establishment ng temporary closure matapos na maapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III,nangangahulugan umano ito na mawawalan ng trabaho pansamantala ang may 100,000 empleyado.
Una nang sinabi ni Bello na aabot sa may 2.7 milyon workers sa may 102,697 establishment nationwide ang madi displaced dahil sa COVID19.
Kabilang umano sa maapektuhan ay ang industriya ng wholesale and retail, accommodation and food service, manufacturing, construction, education, financial and insurance activities, administrative and support service, transportation, at storage.
Nabatid na pinayuhan rin ni Bello ang mga establisimiyento na mag adopt ng ibang work schemes para maisalba ang kanilang mga empleyado sa pagkawala ng trabaho. (GENE ADSUARA)
-
Andrea, magiging masaya pa rin ang Pasko dahil sa pamilya
HINDI dahilan ang pakiki- paghiwalay ni Andrea Torres kay Derek Ramsay para hindi maging masaya ang Pasko niya. Tuloy ang Pasko ni Andrea dahil nandiyan daw ang kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya unconditionally. “Ngayon ang importante is ‘yung bonding ng family. Ever since naman ‘yun ang number one sa lahat: to make […]
-
60% ng mga Pilipino, pabor sa Sim card registration – Social Weather Stations
LUMALABAS sa survey mula sa Social Weather Stations (SWS) na majority o 60% ng mga Pilipino ang pabor sa SIM Card Registration law. Mula sa survey ng SWS nasa 17% ng respondents naman ang tutol habang nasa 23% ang undecided. Sa 60%, 32% dito ang strongly approve habang nasa 29% naman […]
-
Ads June 3, 2021