• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 most wanted persons, huli sa Caloocan at Valenzuela

KALABOSO ang dalawang lalaki na nasa talaan ng mga most wanted person matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) Chief P/Major Marvin Villanueva kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-2:00 ng hapon nang makorner nila sa ikinasang manhunt operation sa Blk 13, Pamasawata Area, Brgy., 28, Caloocan City ang akusado na si alyas “Bong”.

 

 

Ayon kay Major Villanueva, dinakip nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rodolfo P. Azucena Jr., Regional Trial Court (RTC) Branch 125, Caloocan City noong May 5, 2022, para sa kasong Robbery.

 

 

Sa Valenzuela, alas-3:00 ng hapon nang masakote naman ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police, kasama ang mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station sa joint manhunt operation sa Ilang-Ilang St., Brgy. Punturin ang akusadong si alyas “MaMa Ru”.

 

 

Ani Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., pinosasan ng kanyang mga tauhan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Assisting Judge Mateo B. Altarejos ng RTC Branch 172, Valenzuela City noong January 11, 2024, para sa paglabag sa Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(b) of R.A. 7610 – Child Abuse Law (3 counts).

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police at DSOU sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga taong pinaghahanap ng batas na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang akusado na kapwa pansamantalang nakapiit sa costudial facility unit ng DSOU at ng Valenzuela CPS. (Richard Mesa)

Other News
  • Best Philippine swimming team handa na sa national tryout

    Bukod sa pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng bakuna ang mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 2021 Olympic Games at Southeast Asian Games ay inaprubahan din nito ang pagdaraos ng swimming national selection meet.     Ang nasabing 2021 Swimming National Selection na gagawin ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa […]

  • Sanggol itinapon sa basurahan

    Isang bagong silang na lalaking sanggol ang inabandona ng isang hindi kilalang babae sa tambakan ng basura sa gilid ng maliit na kalsada sa brgy. Poblacion, Biñan City kamakalawa ng madaling araw.   Nadiskubre ng basurero ang sanggol na nakakabit pa ang inunan, sa loob ng isang eco bag na iniwan sa basurahan pasado alas-6:00 […]

  • Ads July 13, 2023