• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 most wanted persons sa Valenzuela, timbog

BINITBIT sa selda ang dalawang most wanted persons matapos maaresto ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Valenzuela at Caloocan Cities.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr na dakong alas-12:50 ng Biyernes ng madaling araw nang maaresto ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa isinagawang manhunt operation sa Payapa St., San Vicente Ferrer, Brgy., 178 Camarin Caloocan City ang akusadong si alyas “Rommel”.

 

 

Ang akusado ay dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Lilia Mercedes Encarnation Gepty ng Regional Trial Court (RTC) Branch 75, Valenzuela City noong March 14, 2023, para sa kasong Homicide.

 

 

Nauna rito, alas-3:20 ng Huwebes ng hapon nang matimbog naman ng pinagsamang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station sa joint manhunt operation sa Lorex St., Brgy., Gen. T. De Leon, Valenzuela City ang isa pang akusado na si alyas “Arman”.

 

 

Ani Col. Destura, si ‘Arman’ ay pinosasan ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Evangeline S. Mendoza-Francisco ng RTC Branch 270, Valenzuela City noong October 22, 2022, para sa kasong Acts of Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to Sec. 5 (b) of R.A 7610 as amended by R.A 11648.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas ang Valenzuela police sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong wanted na pinaghahanap ng batas bilang tugon sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations” na nagresulta sa pagkakadakip sa mga akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • “DUNGEONS & DRAGONS” GETS 100% FRESH RATING, HOLDS SNEAK PREVIEWS MAR 20 & 21

    DAYS after its sensational premiere at the SXSW Festival where it captivated fans and critics, Dungeons & Dragons: Honor Among Thieves will have a two-day special sneak previews in cinemas nationwide this coming Monday & Tuesday, March 20 & 21.      Check out your favorite theaters for the screening schedule and admission prices.   Catch these […]

  • Grab rider, 3 pa timbog sa Malabon, Valenzuela buy bust

    MAHIGIT P.1milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga, kabilang ang 39-anyos na Grab rider na naaresto sa magkakahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Valenzuela Cities.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, alas-4:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station […]

  • Babala ng DA: bawang, sibuyas at asin, kulang

    SINABI ng Department of Agriculture (DA) na hindi kakayanin ng local farm output  ng bawang, sibuyas at asin na ma-meet ang inaasahang demand hanggang sa huling quarter ng taon.     Lumabas kasi  sa  huling pagtataya ng Department of Agriculture (DA) at  attached agencies  nito na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Bureau […]