2 nadakma sa higit P1 milyon shabu at granada sa Navotas
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
MULING naka-iskor ng tagumpay ang Northern Police District (NPD) sa kanilang laban sa ilegal na droga kasunod ng pagkakatimbog sa dalawang drug pushers at pagkakakumpiska ng mahigit ng P1 milyon halaga ng shabu at granada sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz ang naarestong mga suspek bilang sina Mark Joseph Nicandro, 34 ng Brgy. Daanghari at Jomar Jayona, 24 ng Brgy. San Roque, kapwa kabilang sa police at barangay drug watch list.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging, nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo sa buy bust operation dakong 1:25 ng madaling araw sa kahabaan ng Ignacio St., Brgy. Daanghari matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.
Narekober sa mga suspek ang aabot sa 160 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,088,000.00 at marked money habang natagpuan din sa bahay ni Nicandro ang isang granada kaya humingi ng tulong si Lt. Rufo sa Explosive Ordnance Division (EOD).
Pinuri ni Cruz Navotas City police sa mahusay nilang trabaho habang kinasuhan naman ang mga suspek ng paglanag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerou Drug Act of 2002, samantalang karagdagang kasong paglabag R.A. 9516 o Unlawful Possession of Explosive ang isinampa kay Nicandro. (Richard Mesa)
-
BAGO SANA ang NEGOSYO, AYUSIN MUNA ANG SISTEMA!
Sa kabila ng maraming tanong mula sa mga motorista ay tuloy na ang operasyon ng ilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) providers. At gaya ng inaasahan, kapag hindi pa maayos ang sistema ay perwisyo ang dulot nito sa motorista na nagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan. Ayon sa ilang motorista na dumulog sa Lawyers for Commuters Safety and […]
-
Dating Rep. Nina Taduran, itinalaga bilang undersecretary ng DSWD
NADAGDAGAN pa ang bilang ng mga dating mamamahayag at mambabatas na kabilang sa mga appointee ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ito’y matapos na lumabas ang appointment ni dating ACT-CIS Partylist Rep. Niña Taduran, bilang undersecretary ng Department of Social and Welfare Development (DSWD). Ipinakilala si Taduran sa isang event bilang […]
-
‘Huwag kang pa-victim’, pahayag ng mambabatas kay VP Sara Duterte
TINAWAGAN ng pansin ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ng Zamboanga City si Vice President Sara Duterte sa kalkuladong estratehiya nitong pag iwas para maiwasan umano ang accountability sa alegasyon ng misuse ng P612.5 milyong confidential funds na nakalaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng […]