COVID-19 cases papalo ng 1-milyon- OCTA Research
- Published on April 7, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi malabong sumipa sa higit 1-milyon ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas bago matapos ang Abril.
Ito ang sinabi ng independent group na OCTA Research sa kanilang pinakabagong report.
“Before the end of April, the Philippines is expected to have recorded more than 1,000,000 total COVID-19 cases,” ayon sa report ng grupo.
Ayon sa OCTA, bagamat bumagal ang pagkalat ng coronavirus sa National Capital Region sa nakalipas na mga araw, tumaas pa rin ng 20% ang antas ng impeksyon dahil sa higit 5,000 bagong kaso ng rehiyon sa nagdaang linggo.
Mula March 29 hanggang April 4, o kahapon, nasa 1.61 daw ang reproduction rate ng NCR. Ibig sabihin, mayroong 161 na taong nahahawaaan sa kada 100 indibidwal na may COVID-19.
Nakita ng OCTA ang “rapid increase” o mabilis na pagtaas ng COVID-19 cases sa mga lungsod ng Mandaluyong, Las Pinas, at San Juan.
May pagbagal naman daw sa pagkalat ng sakit sa mga siyudad ng Maynila, Paranaque, Marikina, at Navotas.
Habang may downward trend, o may pagbaba sa bilang ng mga nagkaka-COVID sa Pasay at Makati.
“The reproduction number is trending down towards 1.3 or less by April 11.”
“The goal is for these LGUs to have low or negative one-week growth rates in new COVID-19 cases very soon.”
Sinabi rin ng OCTA na tumaas ng 50% ang bilang ng mga bagong kaso ng sakit sa Batangas at Pampanga, na parehong nasa labas ng NCR Plus bubble.
-
Gilas Pilipinas kasama ang South Korea sa Group A ng FIBA World Qualifiers
Makakasama ng Gilas Pilipinas sa Group A ng 2023 FIBA World Cup Qualifiers ang New Zealand at South Korea. Nasa Group B naman ang Australia, China, Japan at Taiwan. Habang sa Group C ay ang Jordan, Lebanon, Indonesia at Saudi Arabia. Pinangunahan naman ng bansang Iran ang Group D kasama […]
-
PBBM, nais ang agresibong paggugol sa social protection, malakas na manggagawa sa Pinas-DOLE
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na gugulan ng pondo ang mga programa na may kinalaman sa social protection na may layunin na ihanda ang mga manggagawa sa Pilipinas para sa pagbubukas pa ng ekonomiya at inaasahan na pagdagsa ng mga foreign investors sa bansa. “Mayroon na […]
-
Tsina, itinanggi na banta sa anumang bansa
PINABULAANAN ng Tsina na banta ito sa anumang bansa kasunod ng kamakailan lamang na pahayag ni Senator Imee Marcos na plano ng Beijing na gumamit ng hypersonic missiles target ang military installations sa Pilipinas. “I’m not sure what the Philippine side’s source was, but I can tell you that China is committed to […]