2 NIGERIAN NATIONALS, 5 PINOY ARESTADO NG NBI
- Published on January 22, 2022
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang indibidwal kasama ang dalawang Nigerian nationals dahil sa pagkakasangkot sa “Mark Nagoyo Heist Group”, ang grupo na responsable sa BDO hacking na nakaapekto sa 700 kostumer.
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga suspek na sina, Ifesinachi Fountain Anaekwe alyas Daddy Champ, Chukwuemeka Peter Nwadi, Jherom Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa.
Sina Anaekwe at Nwadi na kapwa Nigerian national ay naaresto sa entrapment operation ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD) sa Mabalacat, Pampanga noong January 18, 2022.
Ang operasyon ay nag-ugat sa impormasyon na ibinigay ng impormante na may transaksyon sa mga suspek.
Ang impormante ay lumutang sa NBI-CCD upang magbigay ng impormasyon kaugnay sa ilang indibidwal na pinaniniwalaang lider, miyembro o nauugnay sa Mark Nagoyo Group.
Maalala na December 2021, isang grupo ang nagsagawa ng malawakang pagnanakaw na kinasasangkutan ng BDO at higit sa 700 mga customer nito.
Ayon sa inisyal na ulat, ang nasabing grupo at na-access ang bank accounts at nalimas ang kanilang mga pera.
Sa email confirmation ng mga illegal transfer, ipinakita na isinagawa ang transaksyon ng isang Mark D.Nagoyo.
Ayon sa impormante, ang mga suspek ay nakikibahagi sa negosyo ng pagbibigay ng mga access device sa sinumang naghahanap ng mga opsyon para i-cash out ang mga pondong nakuha nang mapanlinlang..
Ang mga access device na ito ay mula sa mga bank account, crypto wallet, o kahit na mga point-of-sale na terminal ng mga lehitimong merchant.
Dagdag pa rito, nang tawagan ng isang Mark Froilan ang impormante tungkol sa mga money cash out, nakipag-ugnayan ang huli kay Champ na pagkatapos ay sinabing bibigyan niya ang impormante ng tatlong (3) magkakaibang mga account para makapaglipat siya dito ng Php 10 milyon bawat isa, na tila tinutukoy ang ang pondo mula sa BDO.
Dahil dito naaresto ang dalawa sa operasyon habang aktong iniaalok ang account for sale.
Samantala naaresto rin sina Jherom Anthony Taupa sa buy bust operation sa Floridablanca, Pampanga dahil sa pagbebenta ng “scampage” o phishing website.
Sa impormasyon, si Taupa ay mastermind umano ng Mark Nagoyo Heist .
Naaresto rin sa hiwalay na operasyon sina Panaligan at Revillosa na kapwa sangkot dun sa BDO hacking bilang web developer at downloader.
Mahaharap sa kasong Trafficking in Unauthorized Access Devices sa ilalim ng Section 9 of RA 8484 o mas kilala bilang Access Devices Regulation Act of 1998 sina Anaekwe at Champ
Sina Taupa ay kakasuhan ng Misuse of Devices sa ilalim ng Section 4(a)(5)(i)(aa) of RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.GENE ADSUARA
-
Libreng swab testing kaloob ng Quezon City LGU sa bar examinees
MAGKAKALOOB ang Quezon City government ng libreng swab testing sa 756 examinees at 350 personnel at volunteers sa isasagawang bar examination ngayong Linggo . Ayon kay Mayor Joy Belmonte ang hakbang ay bilang pagtiyak na ang mga examinees at iba pang kakasangkapanin sa isasagawang eksaminasyon ay ligtas mula sa exposure at hindi pagmulan […]
-
Makeover sa Manila Bay gamit ang dolomite sand, matatapos
TINIYAK ng Malakanyang na matatapos ang makeover ng Manila Bay gamit ang dinurog na dolomite sand sa kabila ng ulat na ang artificial sand na inilalagay ng pamahalaan ay nawa-washed out lang papuntang karagatan. Ang environment department ay naglaan ng pondo para sa nasabing proyekto. “The Bayanihan Law, which allows President Rodrigo Duterte […]
-
Public transpo sa ilang bahagi ng PH, hindi pa handa para sa full resumption ng F2F classes
HINDI PA handa ang public transportation sa ilang bahagi ng Pilipinas sa pagpapatupad ng full resumption ng face-to-face classes. Ito ang naging tugon ng isang grupo ng mga commuter sa planong pagbabalik ng bagong administrasyon sa in-person classes sa darating na pasukan. Sa isang pahayag ay sinabi ni The Passenger Forum […]