• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2% pa lang ng 109 milyong Pinoys ang bakunado

Aabot pa lamang sa dalawang porsyento ng populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID-19 may halos tatlong buwan makaraan ang umpisa ng ‘vaccination program’ ng pamahalaan.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega, halos dalawang milyon pa lamang sa 109.48 milyong populasyon ng bansa ang nakakumpleto na ng dalawang dose ng bakuna mula nang umpisahan ang vaccination nitong Marso 1.

 

 

Inamin ni Vega na sa naturang numero, mahihirapang maabot ang target nila na makapagpabakuna ng 50% hanggang 70% ng populasyon ng bansa bago matapos ang kasalukuyang taon.

 

 

Para maabot ang naturang target, kailangang mabakunahan ang average na 500,000 indibidwal kada araw. Ngunit magdedepende umano ito sa mga dumadating na suplay ng bakuna sa bansa.

 

 

Una nang humingi ng paumanhin si vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagkabinbin ng delivery ng mga bakuna sa ilang lokal na pamahalaan.

 

 

Ipinayo ni Vega na mga brand na AstraZeneca, Sinovac at iba pang bakuna na hindi masyadong sensitibo sa temperatura ang dalhin sa mga malalayong lugar upang maserbisyuhan rin ang mga mamamayan sa mga kanayunan.

Other News
  • BIR pinagpapaliwanag sa kinanselang Megaworld closure order

    NAIS ni House Ways and Means Chair Joey Sarte Salceda (Albay) na magpaliwanag ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa ginawa nitong kanselasyon sa closure order ng Megaworld Corporation.     “That was a bizarre series of events that leaves us with more questions than answers. Why was the order issued? Why was it cancelled […]

  • PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN

    BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.       Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]

  • 144,000 Bulakenyo, tinindigan sina Fernando, Robredo sa Bulacan grand rally

    LUNGSOD NG MALOLOS- Tinatayang 144,000 Bulakenyo ang nagpakita ng hindi matatawarang suporta kina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa ginanap na Republika 2.0 Tindig ng Bulakenyo Grand Rally sa punung-punong Bulacan Sports Complex, Sta. Isabel sa lungsod na ito kahapon.     Sa kanyang mensahe, inisa-isa ni Robredo ang […]