• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pang games kinansela ng NBA dahil sa COVID protocols

Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues.

 

Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna.

 

Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics.

 

Una nang na-postpone rin ang ang game ng Miami Heat versus Boston Celtics kasunod nang contact-tracing issues sa team ng Miami.

 

Sinasabing umabot lang kasi sa walo ang players ng Celtics makaraang isailalim sa quarantine ang pitong mga players.

 

Sa ngayon nasa apat na mga games na ang kinansela ng NBA o tatlong araw na sunod-sunod na merong postponement ng laro.

 

Samantala, nakatakdang magpulong ngayong araw ang National Basketball Players Association at NBA kung kailangan pang ayusin ang health at safety protocols sa gitna na rin nang paglaganap pa ng deadly virus.

Other News
  • Ads October 18, 2021

  • JANINE, nilinaw na matatagalan pa bago sila magpakasal ni RAYVER; looking forward sila ni JC na maipalabas sa sinehan ang ‘Dito at Doon’

    MATAGAL nang gustong makagawa ng pelikula ni Janine Gutierrez sa TBA, producer ng award-winning movie na Heneral Luna at Goyo.     Kaya naman nang dumating sa kanya ang offer to do Dito at Doon tinanggap niya agad ito kahit wala pa ang script sa kanyang mga kamay.     “I heard na may offer […]

  • Ex-DBM procurement head ‘susi’ sa overpriced face mask, face shield

    Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang nagbitiw na si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na isiwalat ang mga nalalaman sa overpriced na face mask at face shield na binili ng Department of Health sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.     Naniniwala si Drilon na si […]