• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60 milyong Filipino, makikinabang sa libreng bakuna laban sa COVID

TINATAYANG aabot sa 60 milyong Filipino ang libreng mabibigyan ng gobyerno ng bakuna  laban  sa COVID -19 sa sandaling dumating na ito sa bansa sa unang quarter ng susunod na taon.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson  Harry Roque, sa kanyang pagkaka- alam ay para sa 60 milyong mga Filipino ang free vaccine na inilalaan ng pamahalaan kabilang dito ang mga pulis at mga nasa militar ganundin ang mga frontliners at mga mahihirap.

 

Aniya, prayoridad ang mga  lugar sa tinaguriang epicenters gaya ng Metro Manila, CALABARZON, Cebu at  Davao gayung dito aniya talagang matinding kumalat ang sakit.

Tiniyak naman ni Sec. Roque  na mayroon din namang mga mabibiling bakuna sa botika para sa mga may kakayahang makabili ng pangontrang vaccine sa virus.

 

Sa kabilang dako, wala namang pilitan ang pagtuturok ng bakuna subalit naniniwala silang mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nais magpa-vaccine at base na rin ito sa isinagawang survey.

 

“Hindi po ito sapilitan. Iyong gusto lamang, kasi iyong 60 million, hindi naman iyan para sa lahat sa atin, 110 million Filipinos po tayo. So, kung ayaw wala pong pipilitin, pero sa tingin ko naman po, sang-ayon naman sa SWS survey 66% ay gusto ng bakuna,” ani Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata

    MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto.   Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila.   Malaking agwat ng edad ng dalawang bida […]

  • Women’s football team ng bansa tinambakan muli ang Tonga 5-0

    MULING tinalo ng Philippine women’s football team ang Tonga 5-0 sa ginanap na international friendly nitong Sabado, Abril 30 sa Valentine Sports Park sa Sydney, Australia.     Ang nasabing laro ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Namuno sa laro sina Anicka Castaneda, Eva […]

  • Nagpaabot ng suporta si Michelle: MARINA SUMMERS, first Pinoy na magku-compete sa ‘Drag Race UK vs. The World’

    RAMDAM na agad ang chemistry sa pagitan ng Sparkle Loveteam na AshCo nila Ashley Sarmiento and Marco Masa.       Sa launch ng kanilang loveteam para sa Sparkle TikTok Kilig Series, makikita agad na kumportable sila sa isa’t isa. Dahil na rin siguro sa co-stars sila sa teleserye na ‘Black Rider’ bago sila maging […]