• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pang istasyon ng LRT-2 sa Rizal, pagaganahin na sa Abril

Inaasahan ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) na magiging ­operational na ang da­lawa pang karagdagang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 na magpapalawak sa operasyon ng rail line sa lalawigan ng Rizal ngayong Abril 26, 2021.

 

 

Ayon kay Atty. Hernando Carbrera, tagapagsalita ng LRTA, ang dalawang bagong istasyon ng LRT-2 ay ang Emerald station na matatagpuan sa tapat ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia sa Cainta at Masinag station, na nasa Masinag Junction sa Antipolo City.

 

 

“?April 26 gumagana na ‘yung dalawang stations,” ani Cabrera.

 

 

Sinabi ni Cabrera na sa sandaling makumpleto na ang konstruksiyon ng P2.27-bilyong LRT-2 East Extension project ay mababawasan na ang travel time o oras ng biyahe mula sa Recto station sa Manila hanggang sa Masinag ng hanggang 40 minuto, mula sa dating tatlong oras kung sasakay ng bus o jeepney.

 

 

Nabatid na idini­senyo ang dalawang bagong istasyon upang ma-accommodate ang karagdagang 80,000 pasahero araw-araw sa unang limang taong operasyon nito.

 

 

Malaking dagdag ito sa kasalukuyang LRT-2 average daily ridership na 240,000.

 

 

Nito lamang Biyernes, balik-operasyon na ang tatlong istasyon ng LRT-2, na kinabibilangan ng Santolan, Katipunan at Anonas Station.

 

 

Ang mga naturang istasyon ay pansamantalang isinara noong Oktubre 2019 matapos ang isang sunog na tumupok sa power rectifier nito, na siyang nagsusuplay ng kuryente sa mga tren.

 

 

Sa kasalukuyan, ang LRT-2 ang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Sta. Cruz, Manila at Santolan, Pasig City. (Gene Adsuara)

Other News
  • Apektado nang malamang may abdominal cancer: ISKO, isa sa unang bumisita sa naging ka-tandem na si Dr. WILLIE

    ISA si Isko Moreno sa mga unang dumalaw kay Dr. Willie Ong.     Sey pa ng Manila mayoral aspirant na ganun na lang daw ang pagdarasal niya para sa agarang paggaling na kaibigan niyang naging ka-tandem niya last presidential elections.   Kasalukuyang nakipaglaban si Doc Willie ngayon sa abdominal cancer.   Apektado si Yorme […]

  • Carry lang na ina nina Miguel, Matt at Raphael: CARLA, feeling blessed and grateful dahil kasama na sa big cast ng ‘Voltes V: Legacy’

    NA–EXCITE si Kapuso actress Carla Abellana, nang malaman niyang kasama siya sa napakalaking cast ng matagal nang hinihintay  na live-action adaptation series na Voltes V: Legacy.       Feeling blessed and grateful siya nang malaman niya ang offer ng GMA Network.     “Napakalaking blessing po, sobra, at ito ang nagpapasaya sa akin ngayon talaga,” kuwento […]

  • Weeklong ECQ sa ‘NCR Plus’

    Tiniyak ng pamunuan ng National Task Force Against Covid-19 (Coronavirus Disease 2019) na magiging “compassionate” ang mga otoridad sa pagpapatupad ng curfew sa weeklong enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR (National Capital Region) Plus Bubble na magsisimula ngayon, March 29, hanggang sa Easter Sunday, April 4.     Ayon kay National Task Force Against Covid-19 […]