• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mag live-in partner kulong sa P10.2 milyong shabu

Nasamsam sa isang mag live-in partner na hinihinalang big-time drug pushers ang nasa P10.2 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ernesto Francisco alyas “Ikong”, 49 at Genelyn Mararac, 33, kapwa (wacth listed).

 

Pinuri naman ni NCRPO chief P/BGen Vicente Danao Jr. ang Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni Col Ortega dahil sa matagumpay na drug operation.

 

“Keep it up! There will be rewards and awards for those deserving personnel. Magtrabaho tayo ng tapat, may tapang, at malasakit. Huwag kalimutan ang ibayong pag-iingat sa pagseserbisyo,” pahayag niya.

 

Sa report ni Col. Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong 10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa bahay ng mga suspek sa No. 4039 F. Bautista St. Ugong.

 

Nagawang makapagtransaksyon sa mga suspek ni PCpl Kenneth Marcos na nagpanggap na buyer ng isang knot tied plastic ice bag ng shabu na nagkakahalaga sa P35,000.

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer ay agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka inaresto ang mga suspek.

 

Ayon kay SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 1.5 kilo grams ng shabu na tinatayang nasa P10,200,000.00 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at 34 piraso boodle money, P15,000 cash, digital weighing scale, 3 cellphones, 3 wrist watch, 1 pares ng gold earrings at 2 gold necklace. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads March 21, 2023

  • Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey

    Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.       Nanguna si Marcos […]

  • Walang taas pasahe at pagkawala ng kabuyan dahil sa consolidation

    ITO ang nilinaw ng pamahalaan na kahit na kalahati lamang ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila ang nag consolidate ay hindi mangyayari ang pagtataas ng pamasahe at hindi mawawalan ng kabuhayan ang mga drivers at operators matapos ang binigay na deadline noong Dec. 31, 2023.       Sa National Capital Region […]