• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 patay sa anti-drug operations sa QC

PATAY ang dalawang drug suspek matapos na manlaban sa mga kapulisan Quezon City kamakalawa ng madaling araw.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Canlas at Asnawi Batuas ng Brgy. Bagbag, Novaliches, Quezon City.
Sinabi ni Pol. Lt. Col. Hector Amancia ng Novaliches Police, nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksyon kaya sila nanlaban kaya inunahan na sila ng kapulisan.

 

Nakuha sa kustodiya ng mga suspek ang droga na pinag-hihinalaang shabu na may halagang P1.3 million at dalawang calibre .45 na baril. (Gene Adsuara)

Other News
  • Mas maraming envoys, nag-courtesy visits kay Marcos

    PATULOY ang pagdating ng mga  diplomats para magbigay ng courtesy visits kay  President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.     Kabilang na rito sina  United Nations Resident Coordinator in the Philippines Gustavo Gonzalez, Sweden Ambassador Annika Thunborg, Ambassador Charles Brown of the Holy See, at Irish Ambassador William Carlos.     Sinabi ni Thunborg  na ang […]

  • HOUSING FEES SA NAVOTAS, DI MUNA BABAYARAN

    NAGPASA ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng ordinansa na hindi muna pababayaran ang maintenance fee sa pabahay at renta sa mga pasilidad nito.   Sa City Ordinance No. 2020-29, hindi muna magbabayad ang mga residente ng NavotaAs Residences sa Brgy. San Roque at NavotaAs Homes 1 at 2 sa Brgy. Tanza 2 ng P300 buwanang […]

  • Pamamahagi ng ayuda sa NCR sisimulan ngayong linggo

    Maaari nang simulan ngayong linggo ng mga local government units sa Metro Manila ang pamamahagi ng ayuda sa kanilang mga residenteng apektado ng Enhanced  Community Quarantine sa buong National Capital Region (NCR), ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.     Ito ay kung tapos na aniya na makapaghanda ang mga LGUs sa mga kakailanganin nila […]