2 patay sa engkwentro sa SLEX Calamba, Laguna
- Published on June 5, 2021
- by @peoplesbalita
Dalawa ang patay sa nangyaring engkwentro bandang alas-4:17 ng hapon, Hunyo 3 sa pagitan ng mga otoridad at dalawang umano’y notorious robbery/kidnapping personalities sa may bahagi ng Silangan Exit, SLEX, Calamba, Laguna.
Nakatanggap kasi ng report ang Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese ang dinukot ng grupo sa Asiana Paranaque City gamit ang isang Toyota Hi-ace color white.
Dahil dito agad nagsagawa ng patrol ang RID-ANCAR sa may Southern part ng NCR kung saan naispatan ang nasabing Toyota hi-ace patungong SLEX.
Nang makarating sa Cabuyao exit, natunugan ng mga suspeks ang presensiya ng RID-ANCAR nagpaputok ang mga suspek habang hinahabol sila ng mga operatiba.
Narekober ang bulto bultong pera, ID at chapa ng isang pulis, dalawang caliber .45 pistol sa van ng mga napatay na suspek na mga miyembro ng kilabot na robbery kidnap for ransom group.
Nagdulot din ng mabigat na daloy ng trapiko mula sa Sta Rosa, Laguna hanggang Silangan exit southbound.
Tadtad ng bala ng baril ang puting van kung saan sakay ang mga suspeks.
Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa malinaw kung na-rescue ang dinukot na Chinese. (Gene Adsuara)
-
Mga bikers na walang suot na helmet sa Kyusi pag mumultahin na
NAGSIMULA na kahapon ang pag-iral ng ordinansa sa Quezon City na nag-aatas ng mandatory na pagsusuot ng bike helmet. Sa ilalim ng City Ordinance No. SP-2942 o Mandatory Wearing of Bike Helmet, ang mahuhuling lalabag ay pagmumultahin ng P300 para sa 1st offense, P500 sa second offense at P1,000 sa third offense. Bago […]
-
Maritime laws, mahalaga para protektahan ang PH waters – PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatutulong ang bagong maritime laws sa Pilipinas para protektahan ang teritoryo nito sa pamamagitan ng paglikha ng malinaw na delineasyon ng territorial waters nito. “Marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty. So, it serves a purpose that we define closely […]
-
Service Caravan ng BI sa Batangas, sinimulan
BIYAHENG Batangas ngayon ang Bureau of Immigration para sa kanilang fourth leg na nationwide caravan. Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang Bagong Immigration Service Caravan ay gaganapin sa Batangas City. “Our goal is to bring our services closer to people,” ani Tansingco. “While many of our services are now […]