• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PH golfers swak sa Olympics

Maaaring dalawang golfers ang pwedeng ipadala ng Pilipinas sa Tokyo Olympics sa susunod na taon kung mapananatili lamang nila ang kanilang pwesto sa rankings, ayon sa secretary-general of the National Golf Association of the Philippines (NGAP).

Sinabi ni Valeriano “Bones” Floro of NGAP, halos sigurado na sina  Bianca Pagdanganan at Yuka Saso na makalalaro sa Tokyo Games sa susunod na taon.

Ito’y matapos silang ma-rank sa Top 60 ng International Golf Federation sa kanilang Olympic Golf Ranking.
Si Saso, sumasabak ngayon sa LPGA sa Japan Tour, ay naka-rank na No. 25, habang si Pagdanganan, na lumalaro naman sa LPGA Tour, ay nasa No. 40.

“Ang kailangan lang natin doon sa dalawang athlete natin is maglaro lang sila ng maglaro,” ani Floro kaugnay sa dalawang sikat na golfer. “Sumali lang sila ng sumali sa mga event nila, and practically pasok na sila.”

Ang qualification period para sa  Tokyo Games ay hanggang June 21 para sa men at June 28 para sa women, kung saan ang Top 60 golfers sa bawat kategorya ay papasok sa Olympics.

Other News
  • Tindero ng pares hinoldap, binaril

    Kritikal ang lagay ng isang tindero ng pares matapos barilin ng holdaper sa Baseco Compound, Port Area, Manila, noong Martes ng hatinggabi.   Pauwi na ang biktimang kinilalang si Samson Bautista, 41, kasama ang kanyang kaibigang si Pio Ramos sakay ng kanilang tricycle nang harangin ng armadong lalaki sa Barangay 649. Sa CCTV footage mula […]

  • MAINE, halos walang pahinga sa pagti-taping ng tatlong shows; malapit nang bumalik sa ‘Eat…Bulaga!’

    SAAN kaya kumukuha ang ilan sa mga showbiz vloggers ng balita nilang wala na raw contract si Phenomenal Star Maine Mendoza sa Triple A (All Access To Artists) ng APT Entertainment.      Kaya nagtanong kami sa Triple A kung ano ang totoo at ito ang sagot nila: “Blessed lang talaga ang ating phenomenal star […]

  • CHR, handang makipagtulungan sa ICC ukol sa imbestigasyon sa drug war sa Pinas

    HANDA ang Commission on Human Rights (CHR) na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa imbestigasyon nito sa  drug war sa Pilipinas sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Gayunman, wala namang ideya at hindi pa alam ni CHR chair Richard Palpal-Latoc kung anong ‘specific cases’ ang titingnan ng ICC. […]