• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 26th, 2020

Kim, sinagot sa kanyang vlog ang mga mean comments ng mga netizens

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINAGOT ni Kim Chiu sa pamamagitan ng vlog ang mga mean comments ng mga netizens.

 

Ayon kay Kim, marami raw kasi ang nagre-request sa kanya na gawin ito at celebration na rin daw dahil naka-2 million subscribers na ang kanyang You Tube channel.

 

Aniya, “In this video, mag-celebrate tayo ng mga hate messages or hate comments. Kasi wala lang, gusto ko lang saktan ‘yung self ko ng very little.”

 

Siyempre, isa sa sinagot niya ay ang parating sinasabi sa kanya ng mga tao na tanga siya na nagsimula nga sa “classroom statement” niya noon.

 

      “Grabe naman maka-tanga. Naka-graduate naman ako, ah. Saka naka-graduate ako with honors, saka name-memorize ko ‘yung lines ko, and ‘yung dance ko, and ‘yung song.”

 

Dagdag pa niya, “wala namang tanga. Sadyang may mga tao talagang nagkakamali lang. Di ba? Saka ‘yung mga pagkakamali na ‘yun, it will help you grow. It will thicken your character in life, it will make you strong. ‘Yung mga pagkakamali natin, kaya tayo binigyan ng mga pagkamamali para matuto tayo. So, huwag tanga agad.”

 

Sinagot din niya ang comment na duwag daw ang mga artistang tinu-turn-off ang comment section sa social media. Of course this is pertaining to her dahil may time talaga na ginagawa niya rin ito.

 

“Grabe, hindi ba pwedeng gusto ko lang mag-share ng ginagawa ko or gusto ko lang maka-inspire ng mga tao sa ginagawa ko? And gusto ko lang ikwento ‘yung mga ginagawa ko. “Parang ganu’n lang naman siguro ‘yung mundo ng social media. Gusto nating mag-share ng kung ano ‘yung gusto nating i-share sa mga tao. Hindi naman lahat sine-share natin.

 

      “So kaming mga celebrities, natutuwa kami na i-share ‘yung kung ano ‘yung hindi n’yo nakikita on cam. So with the use of Instagram, Twitter, YouTube, lalo na ang YouTube.

 

      “Dito n’yo nakikita ang totoong kami. And kung i-turn-off man namin ‘yung comment section namin. ‘yun ay tao rin naman kami,” mahabang paliwanag ni Kim.

 

Minsan daw ay nagiging dahilan pa ito para mag-away-away ang mga fans.

 

      “’Yung mga mahal ka at hindi ka mahal, pinag-aaway-away mo dahil du’n sa comment box. Ikaw pa ‘yung nagla-light ng fire para mag-away-away ang mga tao. So, might as well, patayin mo na lang ‘yung comment box.”

 

*****

 

TULOY na tuloy pa rin ang Metro Manila Film Festival 2020.

 

Kahit na may pandemic, hindi ito naging hadlang para hindi i-push ng pamunuan ng MMFF at MMDA na makapagpalabas ng mga pelikula ngayong Kapaskuhan.

 

Sa unang pagkakataon, hindi ito mapapanood sa mga sinehan kung hindi sa online. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng Globe, Upstream & Gmovies.

 

Kung ang usual 8 official entries tuwing Kapaskuhan, ngayon ay mas maraming choices ang manonood, 10 na ang official entries at dahil nga online, kahit ang mga Pinoy na nasa iba’t-ibang bansa ay makakasabay na rin sa panonoood.

 

Aminado naman ang lahat katulad nina Direk Joel Lamangan at Harlene Bautista, mga director at producer ng isa sa entry, ang Isa Pang Bahaghari na iba pa rin ang traditional theater, hinahanap-hanap daw niya ang dilim ng sinehan.

 

Gayundin ang director ng isa pang movie na na-deny noong Summer MMFF, pero nakapasok ngayong MMFF 2020 na Suarez, The Healing Priest na si Direk Joven Tan na, “Sabi nga ni Direk Joel, iba ang experience sa loob ng sinehan pero iba rin yung mas ligtas tayo. Kasi, ayoko rin namang i-risk yung health natin.”

 

So far, marami naman ang positibong feed back na naririnig at nababasa namin sa 10 line-up ng movies. Kahit may mga pumasok noong Summer MMFF na wala na ngayon tulad na lang ng A Hard Day ni Dingdong Dantes. At may mga naka-plano sana for this Christmas na ‘di umabot ang pelikula. Isa na rito ang pelikula ni Vice Ganda.

 

Narito ang sampung official entries for MMFF2020:

  1. Magikland Cast: Bibeth Orteza, Miggs Cuaderno and Jun Urbano,

Director: Christian Acuña

  1. Coming Home Cast: Sylvia Sanchez and Jinggoy Estrada

Director: Adolf Alix Jr.

  1. The Missing Cast: Ritz Azul, Joseph Marco, and Miles Ocampo

Director: Easy Ferrer

  1. Tagpuan Cast: Iza Calzado, Alfred Vargas, and Shaina Magdayao

Director: MacArthur Alejandre

  1. Isa Pang Bahaghari Cast: Nora Aunor Phillip Salvador and Michael de Mesa

Director: Joel Lamangan

  1. Suarez: The Healing Priest Cast: John Arcilla, Alice Dixson, and Jin Macapagal

Director: Joven Tan

  1. Mang Kepweng: Ang Lihim Ng Bandanang Itim Cast: Vhong Navarro and Barbie Imperial

Director Toppel Lee

  1. Pakboys Cast: Janno Gibbs, Andrew E, Jerald Napoles, and Dennis Padilla

Director: Al Tantay

  1. The Boys Foretold By The Stars Cast: Keann Johnson and Adrian Lindayag

Director: Dolly Dulu

  1. Fan Girl Cast: Paulo Avelino and Charlie Dizon Director: Antoinette Jadaone (ROSE GARCIA)

Pagpapalabas ng P1.5B augmentation funds para sa mga LGUs na matinding sinalanta ng bagyong Ulysses

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ang P1.5 billion na augmentation funds para sa local government units (LGUs) na matinding tinamaan ng bagyong  Ulysses.

 

Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na hiwalay ang  P1.5 billion augmentation fund sa ibinigay na pondo para sa CALABARZON, MIMAROPA, at Bicol, mga rehiyon na sinalanta naman ng mga bagyong Quinta at  Rolly.

 

“Katulad din po sa Typhoon Quinta and Rolly, aside from the P1.5 billion, meron din pong buffer na P500 million para po kung meron pang mga LGU na hindi naisama sa report, mabibigyan din po sila,” ayon sa Kalihim na ang tinutukoy ay ang nga lugar na apektado ng bagyong Ulysses.

 

Ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Sec. Avisado na ipalabas ang pondo sa  LGUs.

 

“If the papers have been released already pending my signature, you can release. I will sign it now,” aniya pa rin.

 

Sinabi pa ng Kalihim na ang pera ay agad na ipalalabas ng Bureau of Treasury, ngayong araw ng Martes.

 

Napaulat na dahil sa bagyong Ulysses ay may  73 katao ang namatay habang milyong katao naman ang nailikas ayon sa national disaster management council. (Daris Jose)

BAGO GAWING REQUIREMENT ng LTFRB ang PAGTATANIM ng PUNO ay UNAHIN MUNA na PABILISIN ang pag PROSESO ng PAGKUHA ng PRANGKISA, AT IBA PA!

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inulan ng batikos ang LTFRB sa bagong direktiba nito na magtanim muna ng puno bago makakuha ng prangkisa. Tuloy ang akala ng iba ay naisailalim na ng DENR ang LTFRB at wala na sa DOTr.

 

Pero kami sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) wala naman kaming nakikitang masama sa direktibang ganito ng LTFRB.  Marahil ay ito ang isang nakitang paraan ng mga kasalukuyang namumuno sa LTFRB na maaring maiambag ng ahensya tungkol matapos na maranasan ng bansa ang epekto ng matitinding bagyo na nagdulot ng baha sa ilang parte ng Pilipinas.

 

Itinanong namin sa ilang operator kung handa sila mag tree-planting at wala naman daw problema. Pero ang isang malaking statement nila – WALANG PROBLEMA NAMAN ANG MAGTANIM PERO PAKIBILISAN LANG NILA ANG PROSESO NG MGA PAPELES SA LTFRB.

 

Huwag naman nila kalimutan ang mandatong trabaho nila! Baka naman kasi kung sakaling magtanim nga ang mga nire-require na magtanim ay baka malalaki na ang mga puno at namunga na ay wala pa rin ang prangkisa na kanilang inaplayan.

 

Maganda naman ang layunin ng pagtatanim ng puno pero baka maging kasingtagal ng paglaki ng mga puno ang proseso sa LTFRB. Huwag naman itong maging mas malaking biro.  Pero bago sana magdagdag ng requirements ay tingnan muna kung ito ay makakatulong o mas makadadagdag lamang sa pasakit sa mga may transaksyon sa LTFRB.

 

May mga ‘dropping’ at ‘substitution’ na inaabot ng taon ang resolusyon kaya tuloy naluma na yung mga bagong sasakyan na dapat humalili sa phase out ay hindi pa nakaka-byahe.

 

Ilan kayang application for new franchise ang nagkakalumot na at tinutubuan na ng kung anu-ano at di pa kumikilos – mga for resolution na mga kaso, at iba pa. Kung ang pagtatanim ng puno ang magpapabilis sa mga proseso sa LTFRN, ay walang problema! Bakit hindi. Anong klaseng mga puno ba ang gusto nila at saan-saan itatanim! Siguradong makikiisa ang mga aplikante sa LTFRB kung magiging mas mabilis nga ang transaksyon nila pag nagtinim sila ng mga puno.

 

Pero kung hindi naman ay huwag na! At baka sama ng loob lang ang maitanim sa bagong direktiba ng ahensya.  Hindi biro ito. Sana linawin ng ahensya ang mga prayoridad nito at maging mas sensitibo naman sa pangangailangan ng mamamayan. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)

Ilang mga NBA players nakipagpulong kay Pope Francis

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakipagpulong si Pope Francis sa ilang NBA player na mga opisyala ng National Basketball Players Association.

 

Napag-usapan sa pagpupulong tungkol sa social injustice issues.

 

Kinabibilangan ito nina Kyle Korver ng Milwaukee Bucks, Sterling Brown ng Houston Rockets, Jonathan Isaac ng Orlando Magic, Anthony Tolliver ng Memphis Grizzles at Marco Belinelli ng San Antonio Spurs.

 

Isinakatuparan ang pagpupulong matapos ang pakikpag-ugnayan ng assitant ng Santo Papa sa nasabing mga NBA players.

 

Ayon sa Santo Papa na bilang isang manlalaro, mahalaga ang teamwork para maipanalo ang anumang ipinaglalaban.

 

Tumagal ng mahigit isang oras ang pulong na ginanap sa Apostolic Palace.

 

Matapos ng pulong ay umikot pa ang mga manlalaro sa St. Peter’s Square.

 

Magugunitang maraming NBA players ang sumama sa kilos protesta dahil sa nagaganap na racial discrimination at ang mga nagaganap na police brutality sa mga black Americans.

Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte  na ang  ilegal na droga  sa bansa ay national security issue kaya’t  marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar.

 

Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw .

 

Giit ng Chief Executive sobrang nang nakasasama ang  illegal drugs activities ss bansa.

 

“I’d like to pronounce it again that there’s a declaration by me, based on a proclamation also of President (Gloria Macapagal) Arroyo before raising the issue of drugs a national security matter. That’s why kasali na ang military diyan, because if it’s a national security, it is now the welfare of the state at stake,” ayon sa Pangulo.

 

“That’s why hindi lang ito trabaho ng pulis. Eh national security eh. ‘Di ko naman inulit. So the military also has to participate,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Kaya sinabi ni Pangulong Duterte sa mga anti-narcotics operatives na dedmahin lang ang panawagan ng human rights advocates na itigil ang madugong  drug war sa bansa kung saan libong katao na ang namatay kabilang na ang mga kabataan.

 

“Kapag umatras ako, walang mangyayari sa Pilipinas sa panahon ko. Gawain ninyo ‘yan kapag di na ako Presidente,” ani Pangulong Duterte.

 

Sa kabilang dako, binalaan naman ni Pangulong Duterte ang mga human rights activists, kabilang na ang mga nasa ibang bansa na huwag  makialam o makisawsaw sa problema sa ilegal na droga sa bansa.

 

Inihanay pa ni Pangulong Duterte ang mga ito sa notorious drug groups na  Sinaloa Cartel at Bamboo Triad bilang kaaway ng  estado.

 

“Di talaga [sila] kalaban na patayan. They’re out to discredit, they’re out to send to prison somebody who’s doing his work,” aniya pa rin.

 

Muli, sinabi ni Pangulong Duterte na ang  human rights issues pagdating sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga ay ‘kanya lamang.”

 

‘Wag kayong matakot pumatay. Hayaan mong ‘yang human rights. Basta you do it in accordance with law,” ang pahayag ng Pangulo.

 

Matatandaang, simula nang maupo si Duterte bilang presidente ay inako na ng Pangulo  responsibilidad sa pagpatay sa mahigit ilang libong  katao na pinaghihinalaang nagtutulak ng droga at nanlaban nang maaresto.

 

Sinabi naman ng pulisya na marami pang pagkamatay ang pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga, at mga vigilante o karibal na mga miyembro ng gang.  (Daris Jose)

Theater debut ni Marian, tuloy na sa upcoming virtual play na ‘Oedipus Rex’

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na ang theater debut ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa pamamagitan ng Tanghalang Ateneo’s upcoming virtual play, an adaptation ng classic na Oedipus Rex. 

 

Ang production ay ipalalabas using the video app Zoom.

 

Ayon kay Marian, nagkaroon siya ng second thoughts nang i-offer ito sa kanya ni director Ron Capinding.       “Dati siyang professor ni Dong sa Ateneo de Manila University, kaya ipinaalam ko muna ito sa kanya, at ipinauna ko na sa kanya na ‘hindi ko yata kaya.’     

 

      Pero in-assure ako ni Dong, sabi niya, “kaya mo ‘yan, isipin mo na lang na you’re doing television work.  It’s a big step for me.”

 

Hindi pa sinasabi kung ano ang role na gagampanan ni Marian.  At naging palagay na raw ang loob ni Marian nang makipag-meeting at makausap niya ang ibang cast members, sina Marlon Rivera, Gabe Mercado, Katski Flores at Yan Yuzon, who will play the title role.  Co-actor Katski welcomed Marian: “This is a launching pad.  Welcome to the tribe Marian Rivera! Enjoy and stay will you?”

 

      Meanwhile, sa kabila ng pandemic, tuluy-tuloy pa rin si Marian sa pagkakaroon ng mga bagong endorsements at sa pagpu-promote ng mga ito.  Ang latest niya last Tuesday, November 24, ay ang grand opening ng Waltermart Malolos.

 

At tuluy-tuloy din ang pagti-taping niya ng mga spiels ng new episodes ng OFW documentary na Tadhana na napapanood every Saturday, 3:00PM sa GMA-7.

 

*****

 

MARAMI nang going crazy na mga fans ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards dahil palapit na nang palapit ang kanyang Alden’s Reaity: The Virtual Reality Concert, na magaganap sa December 8 at 9:00PM, here and abroad.

 

Kaya kung gusto ninyong mapanood ang first virtual reality concert na magaganap sa Pilipinas, umagap na kayo ng tickets na sabi’y almost sold out na.  Mag-log on lang sa www.gmanetwork.com/synergy.

 

Pero kasabayan na rin ng concert ay ang paglalabas na rin ng first single for a while na rin ni Alden sa GMA Music, na sabi’y ginawa para sa concert ni Alden? Titled itong “Goin’ Crazy” na sa interview kay Alden para sa concert.

 

Ngayon pa lamang ay pwede na kayong mag-pre-order  ng single sa iTunes simula sa December 1, 2020, pero ang official release ng “Goin’ Crazy” ay mismong sa araw ng concert, sa December 8. #AldenSingleGoinCrazy.

 

*****

 

FOR the first time, after 12 years, ngayon lamang pala makakapag-celebrate ng Christmas si Gabby Concepcion at ang kanyang family sa Pilipinas, dahil every year pala, since 2008, bumabalik sila ng California para doon mag-Pasko.

 

Pero hindi matutupad ang yearly White Christmas nila dahil magsisimula na ang lock-in taping ni Gabby at ang cast ng romantic-comedy series na First Yaya nila ni Sanya Lopez at matatapos ito bago mag-Christmas.

 

It’s a new experience ito sa family ko na narito kami sa Pilipinas at makikita nila ang Christmas traditions natin dito,” masayang pahayag ni Gabby. (NORA V. CALDERON)

P73.2B inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60M Pinoy

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa 60 milyong Filipino mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

 

“Ang total niyan is about P73.2 billion financing. That’s pretty much almost fixed… [that] is good for 60 million people to be vaccinated,” saad nito sa Pangulo sa ginanap na briefing, Nobyembre 23.

 

Ani Dominguez na ang pondong ito ay tinatayang halaga ng bakuna na $25 o P1,200 kada tao.

 

Ang P40 bilyon ay kukunin sa World Bank; P20 bilyon sa LandBank; at P13.2 bilyon sa bilateral agreements sa ibang bansa na gumagawa ng bakuna.

 

Samantala, ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III na ang pagpapakabuna ng 60 milyong Filipino ay indikasyon ng herd immunity.

 

“Ang herd immunity po is anywhere from 60 to 70 percent, according to the World Health Organization. So if we’re able to reach that, we’re going to pretty much arrest the spread of this and mawawala yung COVID-19 sa atin pong lipunan,” saad ni Duque. (ARA ROMERO)

Ads November 26, 2020

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Morales may payo kay Pacquiao

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Bilang isang mabuting kaibigan, may payo si da­ting world champion Erik Morales kay eight-division world champion Manny Pacquiao para sa kanyang mga susunod na laban.

 

Aminado si Morales na may bagsik pa rin ang kamao ni Pacquiao na kitang-kita sa kanyang huling dalawang laban kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman noong nakaraang taon.

 

Subalit para kay Morales, kailangang maging matalino si Pacquiao sa pagpili nito ng makakalaban lalo pa’t nasa edad 41-anyos na ito at nakatakdang magdiwang ng ika-42 kaarawan sa Disyembre.

 

Ayon kay Morales, mas maigi na iwasan nito ang mga batang boksingero na nasa peak ng kanilang boxing career gaya ni Errol Spence na nagmamay-ari ng World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles.

 

“I don’t think it’s a good fight for Manny Pacquiao to face Errol Spence Jr., he’s over ten years younger. Pacquiao is already 42, he needs to pick opponents similar to him now,” ani Morales sa panayam ng Fino Boxing.

 

Ang welterweight division ang pinaka-kumpor­tableng dibisyon ni Spence at ito ang weight class kung saan ito pinakamalakas.

 

Isa lamang si Spence sa mga kandidatong makalaban ni Pacquiao sa kanyang pagbabalik-aksyon sa susunod na taon.

 

Kasama rin sa listahan si Terence Crawford na sariwa pa sa matagumpay na fourth-round knockout win kay Kell Brooks ng Great Britain.

‘Gameboys Level-Up Edition’ to Premiere on Netflix December 30

Posted on: November 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX will release the popular Filipino BL (Boys Love) web-series, Gameboys, globally as Gameboys Level-Up Edition, featuring never-seen-before scenes.

 

Created by The IdeaFirst Company, the original version of the series will continue to be available on their YouTube page, while Netflix will release the Level-Up Edition worldwide on December 30, 2020.

 

Gameboys Level-Up Edition follows two live-stream gamers, Cairo (Elijah Canlas) and Gavreel (Kokoy de Santos), who are rivals online but get matched in the game of love. They find connection while beating digital and personal obstacles.

 

Fans new to the series can expect a fresh kilig generating romance.  Existing fans can look forward to refreshed and re-shot scenes, additional footage, new correspondence and ‘vidgram’ stories from the characters throughout the series.

 

Speaking about the series the creator, Jun Robles Lana, said, “Our goal with Gameboys was to create a truly Filipino BL while also delivering universal themes and messages about two boys who find themselves connecting during the pandemic using the all-computer-screen format. The global health crisis basically forced us to rethink how we were producing stories, and institute a work-from-home shoot, involving actors recording themselves using their personal phones, supervised by a small crew attending the set virtually. We are excited to share Gameboys Level-Up Edition with the world through Netflix.”

 

      “At a time when the world literally paused and people had to step back from all the daily routines they’ve gone used to, Gameboys was born,” shares Director Ivan Andrew Payawal. “The show served as a glimmer of hope for us especially when we, the people in production, thought we were going to lose our jobs. But taking the challenge that is Gameboys is no easy feat. It has definitely expanded our creativity to deliver content that we’re truly proud of despite the quarantine and safe distancing measures.”

 

      “The message of this show has been our unstoppable force to carry on no matter how hard the challenges were because we believe that Gameboys shows a love that is universal and speaks one language regardless of gender, orientation and physical connection. It is the kind of love that encompasses virtual connection as we prove that love indeed has no boundaries. Now it is going to be on Netflix for the world to discover as Gameboys Level-Up Edition, and I am very proud of what our team has achieved,” the director adds.

 

Directed by Ivan Andrew Payawal, written by Ash M. Malanum, and produced by Jun Robles Lana and Perci Intalan, Gameboys Level-Up Edition launches on Netflix this December 30, 2020, with 13 episodes. (ROHN ROMULO)