• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 piloto ng PAF, patay sa plane crash sa Bataan

PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan  umaga ng January 25, Miyerkoles.

 

 

Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos.

 

 

Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang mga piloto ng Marchetti SF260 na may tail number 29-01 nang bumagsak dakong alas-10:40 ng umaga.

 

 

Sinabi ni Velasco na nakita ng mga residente sa lugar ang mabilis na pagbulusok ng aircraft sa kabukiran ng Sitio Tabon sa Barangay Del Rosario.

 

 

Kaagad namang nagtungo sa crash site ang mga tauhan ng Pilar Municipal Police Station at ang 2nd Police Mobile Force Company kung saan nakita nila ang dalawang piloto na nakalupaypay ang katawan sa cockpit ng eroplano.

 

 

Dinala na ang labi ng mga ito sa Martinez Funeral Homes sa Pilar, Bataan.

 

 

Napag-alaman naman kay PAF spokesperson Col. Maria Consuelo Castillo, sakay ng eroplano ang dalawang piloto na nagsasagawa ng training flight.

 

 

Galing ang trainer aircraft sa Sangley Point, Cavite at magpapalibut-libot sa lugar hanggang sa mawala ito sa monitor ng SPYDER (Surface-to-Air Python and Derby Medium Range) ng PAF dakong alas-10:34 ng umaga.

 

 

Lampas isang dekada nang nasa inventory ng PAF ang eroplano, ayon kay Castillo. (Daris Jose)

Other News
  • 1-month housing payment, pinahinto… Calamity loan para sa Kristine-hit members -Pag-IBIG Fund

    SINABI ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na maaaring nang mag-avail ang mga miyembro na apektado ng Severe Tropical Storm Kristine ng ‘one-month housing loan payment moratorium at calamity loan.’   Sinabi ng Pag-IBIG na maaaring nang mag-apply ang mga miyembro nito na nakatira o nagtatrabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng […]

  • Metro Manila Subway nag-groundbreaking sa Pasig

    PINANGUNAHAN ni President Ferdinand R. Marcos ang groundbreaking ng pagtatayo ng istasyon para sa Metro Manila Subway Project sa Pasig City na isa sa pinakamalaking imprastruktura sa ilalim ng Marcos administration.       “Let the breaking ground of this subway system signal our intention to the world to pursue even grander dreams and more […]

  • Sa Japan napiling mag-celebrate ng 31st birthday: ALDEN, kinukulit na ng mga fans na mag-girlfriend na

    “NEW beginnings” na talaga para sa actress na si Sunshine Cruz ang taong 2023.      Obviously, wala na sa mga ganap niya ang boyfriend na si Macky Mathay at ang kasaman nila ng tatlong anak na babae ay ang ama nito at ex-husband na si Cesar Montano at bago nitong pamilya.     Sa […]