Mga guro tutukan sa gitna ng pandemya – Gatchalian
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
SA pagdiriwang ng National Teacher’s Month, inihayag ni Senador win Gatchalian na dapat tutukan ng pamahalaan ang kapakanan at kaligtasan ng mga guro sa gitna ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19) pandemic.
Para kay Gatchalian, ito ang pinakamabuting pamamaraan upang ipagdiwang ang National Teacher’s Month na magpapatuloy hanggang Oktubre 5, araw ng World Teacher’s Day at opisyal na pagbubukas ng klase ngayong taon.
Ayon sa mambabatas, dapat bigyang prayoridad ang mga pangangailangang pang-kalusugan ng mga guro upang matiyak na matagumpay na pagpapatupad ng Basic Education Learning Continuity Plan sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.
“Dapat natututukan at natutugunan ang pagpapagamot ng mga guro, lalo na kung nagpositibo sila sa COVID-19,” giit ng mambabatas.
Bagama’t hindi saklaw ng 2020 budget ang pagpapagamot ng COVID-19, tiniyak naman ng Department of Education (DepEd) na makatatanggap ng mga benepisyo mula sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga guro tulad ng ibang mga kawani ng pamahalaan.
Dagdag ng DepEd, nakikipag- ugnayan na rin sila sa PhilHealth, Employees’ Compensation Commission (ECC), at Government Service Insurance System (GSIS) upang matugunan ang kapakanan ng mga guro.
Mahalaga ani Gatchalian na maisapinal na ang mga ugnayang ito bago magsimula ang klase dahil maaaring malagay sa panganib ang kalusugan ng mga guro kapag nagsimula na silang mmahagi ng self-learning modules.
“Nakita natin ang malasakit nila sa mga estudyante at pagmamahal sa kanilang propesyon. Mayroon pa sa kanilang gumagasta mula sa sariling bulsa upang may maipambili lang ng ilang kagamitan para sa blended learning. Nararapat lamang na magbigay-pugay tayo sa mga guro ngayong National Teachers’ Month,” ani Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
“Ang mga guro ay parang mga sundalong ipapadala natin sa digmaan. Kung hindi natin sisiguruhin ang kanilang kaligtasan, mawawalan sila ng kumpiyansa at hindi tayo magtatagumpay sa pagpapatupad ng distance learning,” dagdag pa niya.
Batay sa datos ng DepEd, mahigit walong daang (823) mga mag-aaaral at kawani ng DepEd ang nag-positibo sa COVID-19 noong Agosto 23. Dalawampu’t tatlo (23) rito ang namatay, mahigit tatlong-daan (310) ang maituturing na mga “active cases” at halos limang daan (490) ang gumaling. Sa mga nabanggit na kaso, halos tatlong daan (297) ay mga mag- aaral, tatlong-daan at apatnapu (340) ay mga guro, at isang daan at walumpu (186) naman ay mga non-teaching personnel.
Hinimok din ni Gatchalian ang pamahalaan na agad ipamahagi ang cash assistance sa mga guro at non-teaching personnel na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic. Ang naturang ayuda para sa mga guro at non-teaching personnel ay bahagi ng Bayanihan to Recover As One Act o Bayanihan 2.
-
PDu30, kailangan din na maging malaya na magdesisyon ukol sa community quarantine classifications
KAILANGAN ding bigyan ng kalayaan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magdesisyon hinggil sa community quarantine classifications na ipatutupad sa iba’t ibang lugar sa bansa nang walang pressure mula sa publiko. Muling inulit ni Presidential spokesperson Harry Roque ang kanyang apela sa OCTA research group na panatilihing pribado ang kanilang quarantine recommendations. “It […]
-
Pacquiao alangan kay Golovkin
SOBRANG bigat. Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat. Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine […]
-
JULIA, pinupuri ng netizen at celebrities dahil pursigido na makatapos sa pag-aaral; ‘Dean’s Lister’ pa
PINUPURI si Julia Montes ng netizens dahil sa pagpupursige niya na makatapos sa pag-aaral kahit kasabay ito ng kanyang pag-aartista. Ang kinukuha niyang kurso sa Southville International School and Colleges ay BSBA Major in Marketing Management, na dahil sa taas ng nakuha grado ay qualify siya sa Dean List ng Second Semester ng […]