• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 PUGANTENG KOREAN NATIONAL, ARESTADO SA ILLEGAL DRUGS AT TELECOM FRAUD

NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Korean national na wanted sa illegal drugs at telecom fraud.

 

 

Kinilala ni  Immigration Commissioner Jaime Morente ang dalawang pugante na si Lee Dongju, 39 at Sim Kyuchul, 40 na naaresto ng mga miyembro ng BI’s fugitive search unit sa isang hotel sa Clark freeport sa  Mabalacat, Pampanga.

 

 

Sinabi pa ni Morente na nag-isyu siya ng mission order para sa dalawa matapos na nakatanggap ng impormasyon mula sa awtoridad ng South Korean sa Manila hinggil sa kanilang kaso at pananatili nila sa bansa.

 

 

“We will deport them for being undesirable and overstaying aliens,” ayon kay Morente.  “Their passports were already cancelled by the Korean government, which also made them undocumented,” dagdag pa nito.

 

 

Ayon naman kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, si Lee ay nagtatago sa bansa simula pa noong May 2019. Isang warrant of  arrest ang inisyu ng Suwon District Court sa South Korea kay Lee noon pang isang taon dahil sa illegal na pagbebenta ng psychotropic drugs, isang paglabag sa Korea Narcotics Control Act.  Siya ay kinasuhan dahil sa pagbebenta ng Methamphetamine sa iba’t  ibang kliyente nito sa Korea.

 

 

Samantala, si Sim ay wanted   sa Korea matapos na ipinag-utos ng Cheongju district court para sa kanyang pagkakaaresto noong 2017 dahil sa kasong panloloko. Siya ay nagtatago sa bansa simula pa noong 2016 at dahil sa kanyang kaso, ang pangalan nito ay kasama sa Interpol red list  noong June 2019.

 

 

Ang Interpol National Central Bureau sa Manila ay ibinunyag na si  Sim ay miyembro  ng telephone fraud syndicate na naka-base sa Qingdao, China na nag-operate mula January hanggang September 2015.

 

 

Nabatid na si Sim at kakutsaba nito ay nakapanloko sa kanyang mga kababayan sa South Korea na humantong sa pagbibigay nila ng kanyang mga debit card number kapalit ng trabaho na kanilang ina-advertised sa online dahilan upang magkamal ng 5.3 million won o mahigit sa US$4,300. (GENE ADSUARA)

Other News
  • RESIDENTE SA NAUJAN,ORIENTAL MINDORO, PINAPALIKAS NG DOH

    PINAPALIKAS ng Department of Health (DOH) ang mga residente sa Naujan Oriental Mindoro at iba pang lugar na apektado ng oil spill.     Ito ang sinabi ni  Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa kanyang pagbisita nitong Linggo sa nasabing probinsya upang tignan ang sitwasyon ng mga apektadong residente matapos lumubog ang motor tanker (MT)  […]

  • Pagku-quit sa showbiz, itsa-pwera na: BEAUTY, ipinagmamalaki ang mga tattoo maliban sa ‘butterfly’

    KINUNAN namin ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng kanyang mga alahas na isinuot sa GMA Ball noong July 22, 2023 kung saan isang cultural critic at independent curator, si Marian Pastor Roces. Sinita ang aktres dahil sa paggamit ng mga alahas na galing sa patay o “death mask” na ginagamit na pangtakip […]

  • Walang kaso dahil lahat naman ay pinapanood: Chair LALA, inaming natutuwa sa isang segment ng ‘It’s Showtime’

    INAMIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Lala Sotto na may isang segment sa ‘It’s Showtime’ ang pinapanood niya, ito yung EXpecially For You.     Say niya, “Nakakaiyak kasi ‘yung ibang kuwento.”     Tanong tuloy sa kanya kung alam ba ito ni former Senator Tito Sotto) na pinapanood niya […]