• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 pushers kulong sa baril at shabu

Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher).

 

Ayon kay Col. Mina, dakong 7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa bahay ni Ponayo sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, isang cal. AR type 9mm pistol na kargado ng limang bala.

 

Sinabi ni Col. Mina, ang operation ay nagmula sa impormasyon na isiniwalat ng isang drug suspect na naaresto ng mga operatiba ng SDEU sa kanilang dating operation.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)

Other News
  • DOH, nilinaw ang posibilidad na muling ibalik sa Alert Level 2 ang NCR

    NILINAW ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1.     Ayon sa DOH, nakadepende pa rin ito sa matrix ng Alert level system sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).     Ang paglilinaw na ito ng […]

  • 3 notorious hackers arestado sa iligal na pag-access sa sistema ng Smartmatic

    INARESTO ang tatlong hackers mula sa Cavite at Laguna na kaya umanong nilang pasukin ang sistema ng Commission on Election (Comelec) at manipulahin ang resulta ng eleksiyon.     Sa inilabas na report ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ang entrapment operation sa naturang mga suspek ay nangyari noong Abril 23 sa pakikipagtulungan ng […]

  • Kahit tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’… Pagiging ‘Pambansang Ginoo’ ni DAVID, malaking impact at ‘di basta-basta mawawala

    KAHIT tapos na ang ‘Maria Clara At Ibarra’ ay hindi basta-basta mawawala sa kamalayan ng publiko si David Licauco bilang Pambansang Ginoo.     Aminado si David na malaking impact ito sa kanyang pagkatao.     “Kung tinatanong niyo yung big change, yeah, it’s quite big and it’s overwhelming.     “But at the same […]