• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOH, nilinaw ang posibilidad na muling ibalik sa Alert Level 2 ang NCR

NILINAW ng Department of Health ang posibilidad na muling ibalik ang Alert level 2 sa mga lugar na nasa pinakamaluwag na Alert level 1.

 

 

Ayon sa DOH, nakadepende pa rin ito sa matrix ng Alert level system sa ilalim ng guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

Ang paglilinaw na ito ng kagawaran ay kasunod ng naging pahayag ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario S. Vergeire na mayroong posibilidad na ibalik muli sa alert level 2 ang National Capital Region kapag magppatuloy ang pagtaas ng COVID-19 cases.

 

 

Subalit sinabi ng DOH sa isang statement hangga’t hindi nakakaapekto s healthcare utilization rate ang admissions at severity ng mga kaso ng COVID-19 sa mga ospital , mananatili ang Alert level 1 sa rehiyon.

 

 

Maipagpapatuloy ayon sa DOH ang Alert level 1 kung patuloy din ang pagsunod sa tinataag na BIDA o ang pagsusuot ng Best fitted mask, Isolate kapag may sakit, Double up protection sa pamamagitan ng vaccination at boosters at tiyaking may magadang Airflow.

 

 

Muling hinihikayat din ang publiko na magpabakuna ng booster kontra sa COVID-19 dahil ang immunity na nakukuha mula sa mga bakuna ay humihina sa paglipas ng panahon.

 

 

Sa kasalukuyan ayon kay Vergeire nasa 13 mula sa 17 lugar sa NCR ang naobserbahan na may pagtaas ng kaso ng COVID-19. (Daris Jose)

Other News
  • Final grades inaayos na: Graduation, moving up rites sa Abril tuloy – DepEd

    TULOY pa rin ang graduation at moving rites ng mga estudyanteng nakatakdang magtapos ngayong taon.   Iyon nga lamang ayon kay DepeD Usec. Alain Del Bustamante Pascua ay magaganap ito sa itinakda ng DepEd na Abril 13 hanggang 17 ang graduation rites na ang ibig sabihin ay isang buwan pa mula ngayon.   Tatamaan aniya […]

  • Ipinauubaya na sa Diyos ang paggaling… KRIS, nag-offline muna sa socmed bilang paghahanda sa susubukang treatment

    PAGSAPIT ng ika-25 ng Pebrero, ang selebrasyon ng EDSA 36, nag-post si Kris Aquino bago siya matulog ng Bible verse na mula sa Philippians 4:NIV.     Mababasa sa art card: “12 I know what it is to be in need, and I know what it is to have plenty. I have learned the secret […]

  • 20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study

    AABOT  sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.     Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na […]