2 sa People’s Balita, nanumpa kay PCO Secretary Chavez
- Published on November 8, 2024
- by @peoplesbalita
ISANG malaking karangalan sa pamunuan ng Alted Publications, ang naglalabas ng mga isyu ng People’s Balita, isang national-tabloid newspaper kung saan isang Editorial Consultant at Reporter nito na mga opisyal ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) ang kabilang sa nanumpa sa harapan ng Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cesar Chavez sa Malacanang.
Si Bishop Jesus Basco, Editorial Consultant at Gene Adsuara, Reporter ng People’s Balita ay Adviser at Secretary, ayon sa pagkakabanggit ay kabilang sa mga opsiyal na bagong nahalal na opsyal ng MCHPC sa taon 2024-2026.
Bukod kina Basco at Adsuara, ang mga opisyal ng MCHPC ay si Jocelyn Domenden ng Remate Online Saksi a Police Files, President; Benjamin Cuaresma ng Maharlika TV, Vice President; Emmanuel Mortega II ng RMN-DZXL, Tresurer; Marvin Empaybado ng People’s Tonight, Auditor; Crismon Heramis, Remate Fotog, Board Chairman at mga Directors na sina Felix Laban (DZME); Jonjon Reyes (People; Tonight fotog); Edd Reyes (Peoples Tonight); Madz Villar (Net 25); Nan amos (Police Files Tonite); Lorenz Tanjoco (Radyo Pilipinas) Aya Yupagco (DWIZ) at JR Reyes (Remate), Advisers.
Simula nang itinatag ang MCHPC, ang pinaka-matandang organisasyon ng mga mamamahayag sa sa Manila City Hall, si Basco ay dati nang Adviser habang naging Secretary si Adsuara sa tatlong nagdaan na temino ng mga Pangulo ng MCHPC. GENE ADSUARA
-
PBBM, bibisitahin ang Brunei, Singapore sa susunod na linggo
NAKATAKDANG bumiyahe si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungong Brunei Darussalam para sa isang state visit at Singapore para naman sa defense summit sa susunod na linggo. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) pokesperson Maria Teresita Daza na nakatakdang bumiyahe sina Pangulong Marcos at Unang Ginang Liza […]
-
Ads June 21, 2021
-
Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino
INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes. Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng […]