• June 22, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gobyerno, inalis na ang restriksyon sa mga non-essential travel ng mga Filipino

INALIS na ng pamahalaan ang restrictions na ipinatupad nito sa mga non-essential travel ng mga Filipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ito ang naging desisyon ng COVID-19 task force ng pamahalaan, araw ng Lunes.

Nagtakda rin aniya ang task force ng mga kondisyon sa non-essential outbound travel ng mga Filipino.

Kabilang na rito ang pagsusumite ng kumpirmadong roundtrip tickets para sa mga magbi-byahe na gamit ang tourist visas at sapat na travel health insurance para i-cover ang rebooking at accommodation expenses.

Ang ‘country of destination’ naman aniya ay kailangan na may no entry ban para sa mga Filipino at ang traveler aniya ay kailangan na kumuha ng deklarasyon na nagsasaad na batid nito ang panganib ng pag-byahe at sundin ang COVID-19 guidelines para naman sa returning Filipino gaya ng mandatory RT-PCR testing at quarantine. (Daris Jose)