• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 timbog sa baril at shabu

Dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang arestado matapos makumpiskahan ng baril at shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kahapon ng umaga.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Ernani Panes, 27 ng 1036 Arlegui St. Quiapo, Manila at Erwin Joseph Bautista, 34 ng Paliwas Obando, Bulacan.

 

Ayon kay Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PSSg Kenneth Geronimo, dakong 6:30 ng umaga nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano kontra sa mga suspek sa loob ng isang Toyota Vios sa Don Basilio Bautista Blvd. Brgy. Dampalit.

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu.

 

Nang iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa police buyer kapalit ng marked money ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 11 gramo ng shabu na tinatayang nasa P74,800 ang halaga, buy bust money, isang F. Berreta cal. 380 na may magazine at kargado ng anim na bala at Lumina Green Toyota Vios (P8X 412). (Richard Mesa)

Other News
  • Osaka pasok na sa 2nd round ng French Open

    Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Naomi Osaka.     Tinalo kasi nito si world number 63 Patricia Maria Tig ng Romania sa score na 6-4, 7-6 (7/4).     Magugunitang bago magsimula ang torneo ay sinabi ng Japanese tennis star na hindi ito magbibigay ng anumang pahayag pagkatapos ng laro dahil […]

  • Singaporean president, inimbitahan si Marcos Jr. para sa state visit

    INIMBITAHAN ni Singaporean President Halima Yacob si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa state visit kasabay ng pagbati nito sa dating senador para sa nakaumang na pagkapanalo nito sa Eleksyon 2022.     “On behalf of the people of the Republic of Singapore, I warmly congratulate you on your electoral success. Singapore and […]

  • Pigaan ng utak sa Tarlac chess, sisiklab

    MAGPAPASIKLABAN ngayong araw (Sabado, Pebrero 29) ang mga woodpusher sa Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament at sa 2200 And Below Rapid Chess Championship sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City.   Suportado nina TCCCI president Arnold Soliman, sportsman Jesus Tayag, ABC president Winston Torres at New York-based Rainier Labay ang […]