2 timbog sa baril, shabu, marijuana oil at kush sa Valenzuela drug bust
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang dalawang hinihinalang sangkot drug personalities matapos makuhanan ng baril at mahigit P.2 milyong halaga ng ilegal na droga sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Martes ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) Deputy Chief P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong mga suspek na sina alyas “Jepoy”, 45, ng Bagong Barrio, Caloocan at alyas “John”, 39, Lazada motorcycle rider ng Brgy. Marulas, Valenzuela City.
Ayon kay Capt. Pobadora, unang nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbibenta ni alyas Jepoy ng ilegal na droga kaya isinailalim nila ito sa validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU sa pangunguna ni Capt. Pobadora, katuwang ang Valenzuela Police Sub-Station (SS3) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Robin Santos ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos umanong magsabwatan na bintahan ng P1,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Elysian St., Brgy. Marulas dakong alas-3:20 ng madaling araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 22.18 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,824, pitong pirasong disposable vape na naglalaman ng hinihinalang marijuana oil na nagkakahalaga ng P49,000, nasa 6.8 grams ng umano’y kush hybrid marijuana na nagkakahalaga ng P9,420, at buy bust money habang ang isang cal. 38 revolver na kargado ng tatlong bala ay nakuha kay ‘Jepoy’.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 habang karagdagan na kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive law on Firearms and Ammunation ang kakaharapin pa ni alyas Jepoy.
Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang pinagkukunan ng mga ito ng naturang ilegal ba droga. (Richard Mesa)
-
Possible paralysis kung ‘di naagapan ng doktor… KC, nakaranas ng matinding ‘neurological effect’ dahil sa COVID-19
SA Instagram Story ni KC Concepion noong Friday, May 6, ibinahagi na nakaranas siya ng matinding neurological effect dahil sa pagkakaroon ng COVID-19. Kaya naman ganun na lang pasasalamat sa kanyang doktor dahil naagapan ang kanyang sakit. “I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio @harvardhopkinsmd to thank, for […]
-
TRB: P264 provisional toll sa Skyway 3
Inilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC). Kung deretso mula sa Buendia sa Makati hanggang South Luzon Expressway (SLEX), ang pinayagan provisional toll rate ay P264. […]
-
Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing
DAHIL sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA). Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay […]