2-time world champion at Olympic flag bearer Alex Pullin, patay sa beach sa Australia
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Namatay habang nasa spearfishing sa Australia ang two-time world champion snowboarder na si Alex Pullin.
Ayon sa mga otoridad, nakita na lamang ang katawan ng 32-anyos na si Pullin sa beach ng Queensland’s Gold Coast na wala ng buhay.
Si Pullin na tinatawag ding si “Chumpy” ay nagsilbing flagbearer ng national team ng Australia noong 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.
Kuwento ng ilang lifeguards, wala na raw oxygen mask si Pullin na sa tingin nila ay nag-free diving at nanghuhuli ng isda sa artificial reef.
Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa Australian sports community at iba’t ibang panig ng mundo.
Labis ang kanilang panghihinayang sa pagkawala ng isang “incredible athlete” na tatlong beses na naging bahagi ng Olimpiyada sa larangan ng snowboard cross noong taong 2010, 2014 at 2018.
Matatandaang nagkasundo sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at IOC president Thomas Bach na ipagpaliban na lamang sa 2021 ang Olympics dahil sa nararanasang health crisis.
-
Kasunduan sa pagitan ng Pinas at China, makalilikha ng mas maraming IT-based jobs para sa mga Pinoy
UMAASA ang top diplomat ng Pilipinas sa China na ang kamakailan lamang na bilateral meeting sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping ay makalilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga Filipino customer service providers. Sa pamamagitan ng nilagdaang kasunduan na naglalayong payagan ang mga Filipino na […]
-
Utang ng Pilipinas nanatili sa P13.64 trilyon
HALOS hindi gumalaw ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas nitong Nobyembre 2022 sa P13.64 trilyon kasabay ng pagtaas ng halaga ng piso. Ito ang ibinahagi ng Bureau of Treasury, Martes, ilang buwan matapos ipayo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos na iwasan ang “hindi kinakailangang gastusin” at magpatupad ng […]
-
MPD TUTUTUKAN ANG PAGDUKOT SA DALAWANG PULIS SA MAYNILA
SINIGURO ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na lulutasin ang kaso ng pagdukot sa dalawang pulis sa Maynila. Sa press briefing ng MPD, sinabi ni MPD Director PBGeneral Leo Francisco na naiiba ang dalawang insidente lalo na at pulis ang dinukot. Naiiba aniya ang kaso lalo na at […]