Pagbawi sa moratorium sa oil at gas exploration sa WPS, pag-exercise lang ng sovereign rights ng Pilipinas
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Energy Secretary Alfonso Cusi na in- exercise lamang ng Pilipinas ang sovereign rights nito nang bawiin ng pamahalaan ang moratorium sa oil at gas exploration sa tinaguriang resource rich West Philippine Sea, pinagtatalunang teritoryo.
Ani Cusi, ang pagbawi sa ban ay hindi nakapagpahina sa posisyon ng bansa sa maritime dispute.
“This lifting of the morato- rium is an exercise of our sovereign rights. Ginagawa na po natin iyan so there’s no way it weakens the arbitral decision,” ayon sa Kalihim.
Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na bawiin ang suspensyon ng petroleum activities sa pinagtatalunang karagatan.
Dahil dito ay maaari nang ipagpatuloy ang oil exploration activities sa West Philippine Sea.
Sinabi pa rin ni Sec. Cusi na naglabas na ng “resume-to-work” notice sa Service Contractors (SC) para muling ipagpatuloy ang petroleum activities sa lugar.
Ang SC 59 at 72 ay ino-operate ng Philippine National Oil Company-Exploration Corporation (PNOC-EC) at Forum Limited.
Ang SC 75 ay ino-operate naman ng PXP Energy Corporation.
Nagpapasalamat si Cusi kay Pangulong Duterte sa pag- apruba sa rekomendasyon dahil kailangan ito para matiyak ang energy security ng bansa.
Ang pagbawi aniya sa suspensyon ay magpapalakas sa ekonomiya sa pamamagitan ng mga bagong foreign direct invest- ments at makakalikha ng high- skill jobs. (Daris Jose)
-
PBBM, binawi na ang state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao
BINAWI na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 55, na nagdedeklara ng state of national emergency on account of lawless violence sa Mindanao. Ito’y matapos na maging maayos at naging mabuti ang peace and order situation doon. Nakasaad sa Proklamasyon Bilang 298 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas […]
-
Pagkatengga ni Diaz dinokyu ng Malaysia TV
ITINAMPOK si 2016 Rio de Janeiro Summer Olympic Games women’s weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz sa isang television program sa Malaysia kung saan siya patuloy na stranded sapul noong Marso dahil sa Covid-19. Pero patuloy na nagti-training para mag-qualify sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan sa darating na Hulyo ang 29-anyos, […]
-
Ads January 4, 2022