2-time world champion at Olympic flag bearer Alex Pullin, patay sa beach sa Australia
- Published on July 10, 2020
- by @peoplesbalita
Namatay habang nasa spearfishing sa Australia ang two-time world champion snowboarder na si Alex Pullin.
Ayon sa mga otoridad, nakita na lamang ang katawan ng 32-anyos na si Pullin sa beach ng Queensland’s Gold Coast na wala ng buhay.
Si Pullin na tinatawag ding si “Chumpy” ay nagsilbing flagbearer ng national team ng Australia noong 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.
Kuwento ng ilang lifeguards, wala na raw oxygen mask si Pullin na sa tingin nila ay nag-free diving at nanghuhuli ng isda sa artificial reef.
Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa Australian sports community at iba’t ibang panig ng mundo.
Labis ang kanilang panghihinayang sa pagkawala ng isang “incredible athlete” na tatlong beses na naging bahagi ng Olimpiyada sa larangan ng snowboard cross noong taong 2010, 2014 at 2018.
Matatandaang nagkasundo sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at IOC president Thomas Bach na ipagpaliban na lamang sa 2021 ang Olympics dahil sa nararanasang health crisis.
-
ANGEL, ‘di pinatulan ang mga bashers dahil totoo naman na mataba siya; nagsimulang mag-diet para sa kalusugan
ISA ang actress-TV host na si Angel Locsin ang nakaranas ng body shaming na talaga namang nilait ng mga bashers sa social media. Nag-viral pa ang mga kuhang litrato sa taping ng public service program niyang Iba Yan na umabot ng isang taon, pero never talagang pinatulan ni Angel at pinagpatuloy lang ang […]
-
Jake Paul inalok sina Smith at Rock ng tig-$15-M para magharap sa boxing ring
INALOK ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring. Kasunod ito sa kontrobersyal na pananampal ni Smith kay Rock sa Oscar’s Award nitong Lunes. Sinabi ni Paul na mayroon siyang inilaan na $15 milyon sa bawat isa para matuloy lamang ang laban. […]
-
Richard Bachmann inilatag na kanyang plano para sa PSC
Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang four-point plan para sa mga nakatutok na aksyon ng ahensya sa mga darating na buwan. “Nandito ako para pagsilbihan ang mga atleta at magsilbi sa sports, wala nang iba pa” giit ni Bachmann sa kanyang pambungad na mensahe. 4-POINT PLAN Ang kanyang […]