• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang milyong trabaho, paglago ng ekonomiya inaasahan sa Cha-cha at pag-apruba sa CREATE Act

Inaasahang lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung maaprubahan hindi lamang ang mga itinutulak na amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng House Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) kundi maging ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

 

 

Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, maraming trabaho ang mabubuo dahil sa pagtaas ng capital formation sa Pilipinas sa oras na maging ganap na batas ang RBH 2 at CREATE.

 

 

Sa kanyang tantya, sa loob ng 10 taon, 6.6 million na bagong trabaho ang malilikha bilang resulta sa pag-amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas, habang 1.4 million hanggang 2 million naman sa CREATE.

 

 

Aabot sa P300 million ang inaasahang maidadagdag sa kapital ng bansa dahil sa RBH 2, habang P288 billion halaga ng investments kada taon dahil sa pagpapababa sa corporate income tax rates at pag-rationalize nang fiscal incentives.

 

 

Ayon kay Salceda, ang CREATE ang siyang “sweetener” sa short-term as medium-term investments sa oras na matuloy ang mahahalagang reporma sa ekonomiya ng bansa sa ilalim ng RBH 2.

 

 

Sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez na kailangan simulan na ang proseso tungo sa pagkakaroon ng liberal investment regime upang sa gayon ay magsimulang bumuhos na rin ang mga investment papasok ng Pilipinas.

Other News
  • Ilang milyong trabaho, paglago ng ekonomiya inaasahan sa Cha-cha at pag-apruba sa CREATE Act

    Inaasahang lalo pang lalakas ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas kung maaprubahan hindi lamang ang mga itinutulak na amiyenda sa economic provisions ng Saligang Batas sa ilalim ng House Resolution of Both Houses No. 2 (RBH 2) kundi maging ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.     Ayon kay House Ways […]

  • Pag-apruba na maamyendahan ang Oil Deregulation Law, malabo sa ilalim ng termino ni PDu30

    MALABONG maaprubahan ang panukalang amiyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Ang katwiran ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. magiging abala na kasi ang mga mambabatas sa mga election-related activities kahit pa matapos na ang halalan sa May 9 at wala ng […]

  • MARIANO, GINEBRA LALAPIT PA SA TITULO

    Lagay ng best-of-seven series: Lamang ang Barangay Ginebra San Miguel sa TNT, 2-0     Resulta ng serye: Game 1 nitong Linggo, Nobyembre 29: Barangay Ginebra San Miguel 100, TNT (94 (OT) Game 2 nitong Miyerkoles , NDisyembre 2: Barangay Ginebra San Miguel 92, TNT 90     Game 3 ngayong Biyernes, Dis. 4: (AUF […]