2 tricycle driver na tirador ng cable wire sa Malabon, timbog!
- Published on August 17, 2023
- by @peoplesbalita
HIMAS-REHAS ang dalawang tricycle driver na kapwa tirador umano ng mga cable wire matapos maaresto ng mga rumespondeng pulis sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang mga naarestong suspek na sina Chester Esmundo, 27 ng Sto Niño St., Brgy. Concepcion at Crisanto Magallanes, 37 ng Kasarinlan St., Brgy. Muzon.
Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Michael Oben na habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6 sa kahabaan ng Gen. Luna St., Brgy. Concepcion nang isang concerned citizen ang nagreport sa kanila hinggil sa dalawang lalaki na nagpuputol ng cable wire malapit sa nasabing lugar.
Kaagad namang rumesponde sa nasabing lugar ang mga pulis kung saan naabutan nila ang dalawang lalaki na isinasakay sa kanilang getaway tricycle ang pinutol na cable wire bago umalis sa lugar, dakong alas-4:20 ng madaling araw.
Hinabol naman sila ng mga pulis hanggang sa maaresto at nakumpiska sa kanila ang nasa 12 meters globe cable wire na nagkakahalaga ng P25,649, cutter fliers, PVC pipe cutter, ice pick at gamit nilang tricycle na may plate No. (547QXI).
Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Malabon police sa masigasig na pagtugis sa mga kawatan, kasabay ng panawagan sa mga mamamayan na huwang mangiming lumapit sa pulisya at isumbong ang anumang nasasaksihan nilang krimen. (Richard Mesa)
-
Dismayado ang netizens sa sinuot sa ‘Sparkle Spell 2023’: ALDEN, parang napadaan lang at ‘di na nag-effort mag-costume
DISMAYADO ang mga netizen nang makita nila kung ano ang suot ni Alden Richards sa ginanap na ‘Sparkle Spell 2023’. Casual na casual lang kasi ang suot niya na naka-black shirts, sneakers, maong pants na may dalang bouquet ng bulaklak. Tipong parang napadaan lang daw ito habang ang ibang mga Sparkle artists ay […]
-
Santiago interesadong mag-SEAG at AWVC
PINANGUNAHAN ng sikat na si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang 16 na mga dumalo buhat sa 40 inanyayahan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa women’s indoor team tryout nitong Miyerkoles sa Subic Gymnasium sa Zambales. Karay ng Japan V. League gold medalist sa pagtitipon sina incoming Premier Volleyball League (PVL) stars Abigail […]
-
INAGURASYON NI PBBM, KASADO NA
KASADO na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) katuwang ng ilang ahensya ng gobyerno para sa inagurasyon ni President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay MPD Director Brig. Gen.Leo Francisco, nasa final phase na at okay na lahat ng paghahanda para sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon. “Final phase […]